Saturday, January 24, 2015

Statement of Secretary Mar Roxas on the 5-Day Papal Visit



From the Website of DILG
links: http://www.dilg.gov.ph/news/Statement-of-Secretary-Mar-Roxas-on-the-5-Day-Papal-Visit/NC-2015-1016




Statement of Secretary Mar Roxas on the 5-Day Papal Visit

Muli, gusto po nating iparating ang lubos na pasasalamat ng Pangulong PNoy at ng buong pamahalaan sa lahat ng tumulong at nakiisa para maging posible, organisado at matagumpay ang limang araw na pagbisita ng Santo Papa sa bansa.
Hindi man natin masasabing 100-porsyentong matagumpay ang Papal Visit dahil sa pagdating ng Tropical Storm Amang sa Tacloban, pero maipagmamalaki natin na lahat - mula sa mga ahensiya ng pamahalaan hanggang sa Local Government Units (LGUs), simbahan, private sector partners, volunteers, media at mamamayang Pilipino na generally successful ang pag-host natin sa pagbisita ng Holy Father.
Nagpapasalamat din tayo sa pamunuan ng Vatican, sa kanilang matiyagang pakikiisa sa ating Simbahan para sa mga detalye at protocol ng Papal Visit. Lubos din ang pasasalamat ng pamahalaan kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, at sa buong Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), maging sa mga layko para sa lahat ng kanilang pagsisikap na ginawa para sa ating Santo Papa.
Sa lahat ng ating kababayan, lalo na sa inyong matiyagang naghintay at nag-abang sa mga kalsada mula nang dumating si Pope Francis hanggang sa pag-alis nito, nagpapasalamat din tayo.
Sa loob ng limang araw na pananatili sa atin ng People's Pope, ipinakita nating lahat na kayang maging disiplinado ng mga Pinoy at higit sa lahat ay naipakita natin na kayang maging buo at magkaisa ng mga Pilipino.
Lubos din tayong nagpapasalamat sa lahat ng television, radio, print at social media na naging partner ng pamahalaan mula sa preparasyon, sa pagdating ng Santo Papa hanggang sa pag-alis nito. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.
Sa lahat ng ito, hindi lang natin naipakita ang ‘whole of government approach’ kungdi ang ‘whole of nation approach.’
To all the men and women of the PNP, AFP, BFP, BJMP, PSG, PCG, CAAP, DILG, DOH, DFA, DOTC, DPWH, DOT, DOST (PAGASA), NDRRMC, OPS, PCDSPO, PCOO, MMDA, NICA, BI, NTC, and to everyone MARAMING MARAMING SALAMAT PO!




DILG Website

http://www.dilg.gov.ph/



links:

http://www.dilg.gov.ph/news/Statement-of-Secretary-Mar-Roxas-on-the-5-Day-Papal-Visit/NC-2015-1016







OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES



Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights

Home - Human rights Promotions Website

HUMAN RIGHTS PROMOTIONS


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-
----------------------------

0 comments:

Post a Comment