PROMOTIONS OF HUMAN RIGHTS

Promotions of Human Rights..........

PROMOTIONS OF HUMAN RIGHTS

Promote Human Rights......

PROMOTIONS OF GOOD GOVERNANCE

Promotions of Human Rights Based Governance.......

Promotions of Right to Standardization of Living - BAYANIHAN

Promotions of Right to Standardization of Living.....

Promotion of Standard Living - ELITE UPPER CLASS HOUSE IN PHILIPPINES SOCIETY

Elite or Upper Class in Philippine Society.....PHILIPPINE CLASSES OF SOCIETY

Promotion of Standard Living - THIRD CLASS HOUSE IN PHILIPPINE SOCIETY

Promotions of Standard Living......Third Class of Society Poor Filipinos, Poverty Line.....

Promotion of Standard Living - THIRD CLASS HOUSE PHILIPPINE SOCIETY

Promotions of Standard Living......Third Class of Society... Poor Filipinos, Poverty Line.....

Promotion of Standard Living - STANDARD HOUSING FOR THE PHILIPPINES

Promotions of Standard Living......Middle Class of Society.....STANDARD LIVING FOR FILIPINOS AND EVERYONE IN THE WORLD......TOWNHOMES AND SUBDIVISION HOME STYLES OF HOUSING PROJECTS....

Promotion of Standard Living - STANDARD HOUSING FOR THE PHILIPPINES SOCIETY

Promotions of Standard Living......Middle Class of Society.....STANDARD LIVING FOR FILIPINOS AND EVERYONE IN THE WORLD......TENEMENTS HOME STYLES OF HOUSING PROJECTS....

Promotion of Standard Living - STANDARD HOUSE FOR THE PHILIPPINE SOCIETY

Promotions of Standard Living......Middle Class of Society.....STANDARD LIVING FOR FILIPINOS AND EVERYONE IN THE WORLD......TYPICAL STANDARD STYLES OF HOUSING PROJECTS FOR PHILLIPINE BUILT....

Promotion of Standard Living - EMPLOYMENTS AND STANDARD WAGES

Promotions of Right to Standardardization of Living.........

Promotion of Standard Living - EMPLOYMENTS AND STANDARD WAGES

Promotions of Right to Standardardization of Living.........

Promotion of Standard Living - EMPLOYMENTS AND STANDARD WAGES AND LIVELIHOOD

Promotions of Right to Standardardization of Living.........

Promotion of Standard Living - EMPLOYMENTS AND STANDARD WAGES AND LIVELIHOOD

Promotions of Right to Standardardization of Living.........

Promotion of Standard Living - EMPLOYMENTS AND STANDARD WAGES AND LIVELIHOOD

Promotions of Right to Standardardization of Living.........

Promotion of NATIONAL INDUSTRIALIZATIONS

PROMOTIONS NATIONAL INDUSTRIALIZATIONS FOR UPLIFTING PHILIPPINE ECONOMY.........

Promotion of Agricultural Developments and Land Reform Programs

PROMOTIONS AGRICULTURAL DEVELOPMENTS FOR UPLIFTING PHILIPPINE ECONOMY.........

PHILIPPINE DEVELOPMENTS

PROMOTIONS PHILIPPINE DEVELOPMENTS FOR UPLIFTING PHILIPPINE ECONOMY AND LIFE.........

PROMOTIONS OF CHILD RIGHTS

PROMOTIONS CHILD RIGHTS, RIGHT TO FAMILY.........

HUMAN RIGHTS PROMOTIONS

HUMAN RIGHTS PROMOTIONS, UNITE FOR THE PHILIPPINE DEVELOPMENT.........




Friday, September 27, 2013

HUMAN RIGHTS ADVOCACY PROMOTIONS - Saturday Updates Weekly SEPTEMBER 28, 2013



HUMAN RIGHTS ADVOCACY PROMOTIONS  
PROMOTIONS, EDUCATIONS, COMMENTARY, CRITICISMS AND SUGGESTIONS
ON HUMAN RIGHTS AND GOOD GOVERNANCE

Saturday Updates Weekly SEPTEMBER 28, 2013

Abad: Aquino gov't works within legal, honest means


From the Website of PIA - Philippine Informations Agency
links:  http://news.pia.gov.ph/index.php?article=1781380193715

Friday, September 20, 2013

HUMAN RIGHTS ADVOCACY PROMOTIONS - Saturday Updates Weekly SEPTEMBER 21, 2013

This summary is not available. Please click here to view the post.

DSWD assures enough disaster funds for Zambo evacuees

Aquino: I’m responsible for Zamboanga operations

This summary is not available. Please click here to view the post.

Press briefing by President Benigno S. Aquino III: On Zamboanga City

From the Website of GPH - Government of the Philippines
links:  http://www.gov.ph/2013/09/19/press-briefing-by-president-aquino-on-zamboanga-city-september-19-2013/


Press briefing by President Benigno S. Aquino III:
On Zamboanga City
[Zamboanga Airport on September 19, 2013]


Q: Alam naman po namin na hindi nagbibigay ng timeline para sa mga ganitong operasyon pero madami po ang nagtatanong, may kasiguruhan po ba na matatapos ito o hindi na ito aabot sa susunod na linggo?

President Aquino: Siguro ang dapat na tanong doon: Importante ba ‘yung oras kung kailan tatapusin ‘to o importante ba ‘yung hostages na natitira pa?  At sa aking pananaw, importante ‘yung buhay. So magdidikta ng kailan matatapos ito: ‘yung kakayahan natin, ‘yung intelligence information natin, ‘yung abilidad natin na mailayo sa kapahamakan yung mga hostages na natitira. So iyon ang first priority. Kung puro kalaban ang nandoon, siyempre ibang usapan ‘yon, pero mayroon pa ring hostages.

Q: As we speak, sir, ilang hostages po ba ngayon ‘yong hawak pa?

President Aquino: About 20.

Q: Sir, ano na po ang naging impact ng krisis na ito, hindi lamang sa Zamboanga City, kundi sa bansa natin?

President Aquino: Well, bago nito ‘no, ‘yong sa English, “posturing” ni Misuari parang medyo, parang ang hirap unawain. Nagtawag ng independence pero nagsabing ituloy ‘yong peace process. ‘Pag nag-a-assemble, tinatawag nilang “peaceful rally.” Dito, sinubukan nilang i-push ‘yong envelope–’yong tolerance ng gobyerno. Maglalakad sa ibang hindi naman kabilang ng ARMM, armado. Hindi pwede ‘yon. ‘Pag binibigyan mo ng lagim o binibigyan mo ng dahilan para matakot ang mga mamamayang nananahimik, tutugunan ka ng gobyerno.

Q: Sir, how involved are you in the decision making in order to solve this crisis here in Zamboanga?

President Aquino: I’m both Commander-in-chief and President. Therefore, at the end of the day, everything is my responsibility. So, I’m very involved. From everything, to getting briefed and putting some of my inputs into the security operations. Mayroon din ‘yong others who make the effects of the crisis less; that means ‘yong DSWD, I get briefed, I asked them what is needed etc.; authorized the releases of funds; to talk to Bangko Sentral  to ensure that the cash supply–’yong physical cash supply, is present; to tell DTI, DOTC, and DA to ensure that basic food stuffs are available, from the time before I left Manila to the present, to include not just Zamboanga City but BASULTA.

Q: Sir, kamusta po ‘yong war room? Balita kasi namin parang madaling araw kayo nagigising, talagang nagco-command kayo sa different heads in order to solve this crisis?
President Aquino: Mahirap naman siguro magbigay ng image na nagma-micromanage ako. Hindi. In-assign natin bawat tao sa puwesto dahil may paniniwala tayo na may kakayahan sila na tugunan ang kanilang responsibilidad. Kung minsan, mayroon tayong katanungan, hinihingan natin ng clarification, at sinisigurado rin natin, kaya nagpunta din tayo dito… Alam mo noong bago ako umabot dito, Friday, nag-uusap kami, telepono, may video conferencing na kailangan i-improve, medyo ‘yong layo baka magkaroon ng hindi klaro na pag-unawa doon sa ating mga kautusan. So nagpunta tayo dito para mas mabilis ‘yong pagbigay ng impormasyon at pagbigay din ng desisyon, at iklaro ang anuman ang kailangang klaruhin, either doon sa mga konsepto o doon sa desisyon na ating pinaiiral.

Q: Sir, sa kabila po ng patuloy na ginagawang operasyon, may ginagawa pa rin po ba ang pamahalaan na negosasyon sa MNLF?

President Aquino: Mayroon. Kaya nga nililiwanag natin na itong katunggali natin sa kasalulukyan ‘yong MNLF na Misuari na grupo. Mayroong mga ibang grupo ng MNLF. Siguro ang dapat naman nating ipaalala ulit sa sambayanan na sila mismo, ‘yung mga ibang pakasyon, ay nagkondena nitong kasalukuyang pangyayari mula noong umpisa pa. So ‘yung patakaran natin, ‘yung handang makipag-usap ng mapayapa at makipagdiyalogo ay talagang haharapin, ine-encourage natin.

‘Yung tao namang maglalagay sa lahat ng mamamayan sa panganib ay talaga namang haharapin din ng estado. So kung mapayapa kang haharap, mapayapa kang haharapin ng gobyerno para magkaroon ng kaayusan. At ‘yung, sa English, ‘yung “permanent peace.” Pero kung ang gusto mo naman ay pairalin lang ‘yung sa iyo at maghahasik ka ng lagim sa nakararami, hindi rin papayagan ng gobyerno ‘yon.

Q: Sa ngayon, sir, makikipag-usap pa ba tayo sa kanila o sila makikipagusap pa rin ba sa pamahalaan?

President Aquino: Well, nitong linggong ito, mayroon dapat sa Indonesia eh. At sa totoo lang, inaasahan natin na sana natuloy ‘yon kaya lang dumating ito at tumitibay ang ebidensya na may kinalaman si Chairman Misuari dito. So, isa dapat siya sa kausap sa Indonesia, at biglang nagbago siya at ang kanyang track. O di siyempre mayroon tayong necessary reaction doon.

Q: Hindi na po mangyayari ‘yung sa Indonesia na usapan?

President Aquino: Hahamunin pa rin natin dahil doon sa mga paksyon sa MNLF na talaga namang gustong tapusin ang process, eh bakit natin ititigil? Pero doon naman sa talagang gustong manggulo, eh hindi rin natin papayagan. Kaso ang diretsahang tugon sa tanong mo, nasa kanila ‘yan kung saan ang gusto nilang puntahan, pero tayo handang makipagusap ng kapayapaan pero handa rin tayong kumilos kung sila nga ay nagbigay ng kapahamakan sa ibang mamamayan.

Q: Mr. President, buenas tardes.

President Aquino: Buenas tardes.

Q: Mr. President, marami na pong krisis na pinagdaanan ‘yong Zamboanga, at ito pong krisis na ito daang libong Zamboangeños po ang na-displace. Tanong po ng lahat, tanong po ng Zamboangeños: Kailan po ito matatapos at ano po ang katiyakang maibibigay ninyo sa mga Zamboangeños na hindi na po ito mauulit pang muli? Thank you po. Muchos gracias.

President Aquino: “Hindi na mauulit muli.” Alam ninyo, uulitin ko, saan tayo nagmula: Nagsalita ng independence ‘pag tinanong mo kung sino ang nakarinig or mayroon ba tayong photographic evidence, recordings, videographic evidence na he declared independence. Ang balik sa atin ng ating intelligence community walang diretsahang nagsabi nag-declare siya ng independence. Ang mga nagsasabi lang ay ‘yong mga taong nakarinig diumano sa kanya. ‘Pag dumating doon sa specifics ano ba ang ibig sabihin nitong declaration of independence, ang sabi n’ya tuloy ‘yung peace process, ‘yung tripartite review–lahat n’on. Tinanggal n’ya ‘yong elements ng sedition at rebellion na calling for an armed uprising at saka depriving the government of authority over its territory. Itong biglang ginawa nila, malalaman natin later on na after matapos ng lahat ng ito: Ito ba talagang pumoporma lang kayo o talagang ang intensyon n’yo ay sumubok talagang magkalat ng kaguluhan sa napakaraming lugar?

Anong assurance sa ating hindi na mauulit ito? Siyempre pagbubutihin pa natin lalo na ang ating intel services. Siguro dapat makita natin dito, noong umusbong na ang krisis, handa na ang security forces pero more significantly, ‘yung sinabi ko nga sa inyo marami ring puwersa nang nag-umpisa, nang nagbakbakan sa dagat hindi pa sa lupa, nagkalat-kalat ‘yong kanilang tinatayang dalawang daang puwersa–hindi nakamask. Pero the following day nakuha nating mailipat lahat ng forces para magkaroon ng overwhelming force laban sa kanila. Kaya ulit, nakita naman natin, imbes na mapalawak ‘yong teritoryong nababalot sa dilim, eh napaliit nang napaliit mula noong unang araw.

So, eto siguro–paano natin masasabing “wala nang mangyayaring ganito?” Number one, bawas ‘yong puwersa nila. Number two, may demonstration kung ano ang ibig sabihin ng gobyerno ‘pag sinabi niyang handa at tutugunan o haharapin kung anuman ang pagsubok na gagawin sa kanya. Dito siguro baka nag-isip silang mahabang magda-drama tayo na parang may somewhat of a balance. Dito palagay ko dinemonstrate [demonstrate] ng estado na mabigat ang puwersa ng estado at handang gamitin at gagamitin ‘to. So ‘yong iba na nag-iisip ng ganitong kilos, mapapag-isip. Gagawin ba n’yo ‘to? ‘Di naman kayo magkakaroon ng publicity for a day. Talagang nandyan na–ano ba sa Tagalog ‘yun–encirlced na kayo at pinakitang hindi kayo ganoong kalakas na pwersa.

Ngayon, puwede ko bang sabihin na may guarantee ‘yung walang terrorist activities? Palagay ko walang bansang puwedeng maggarantiya na walang terrorism. Pero mapapangako ko sa inyo, talagang pinipilit natin na, number one, madagdagan ‘yung puwersa ng ating kasundaluhan-kapulisan. May kakulangan tayo talaga doon. Naalala n’yo ‘yung sinabi ko naman sa inyo noong araw. ‘Yong ating kapulisan-kasundauhan eh eksato ang bilang noong panahon ng EDSA. EDSA, ‘yung 250,000 natin nagbabantay sa 50 million. Ngayon ‘yong 250,000 nagbabantay sa 95 million. Mayroon pa tayong problema sa ating territorial waters, amongst other things.

So, ayaw naman nating bigyan ng mission ang sinuman na mahirap gawin so bibigyan natin ang kaukulanga–binigyan at bibigyan ng kakulangang kasangkapan at tauhan para magampanan ang kanilang mission. At the end of the day, ‘yong pakikipagtulungan ng publiko ang malaking bagay na madadagdagan ‘yung kakayahan ng ating gobyerno.

Mayroong mga reports na parang pinaghandaan ito ng one year. Mayroong nagsasabing baka nag-smuggle sila dito sa Zamboanga City nang medyo mahaba-habang panahon. Siyempre ang aking mga katanungan: Paano nakapaghanda nang ganyang katagal na hindi napansin? Siguro naman mayroong mga nakapansin ng ibang bagay dito at diyan, at sana napaalam sa kaukulang otoridad. Pero hindi nangyari ‘yon. So gusto ko ring malaman paano ba natin matatakpan ang ganyang sitwasyon.

Q: Ano po ang maibibigay n’yong tulong sa mga Zamboangeños?

President Aquino: Doon muna tayo sa mga nasunog na bahay. Siyempre nakikipag-ugnayan kami kay Mayor Climaco dahil mayroon mga nagsasabi sa atin na hindi pwedeng ilikas lang sila sa ibang lugar. Mayroong mga pangangailangan na tabi ng dagat, etc. Mayroong nagsasabi na marami dito sa mga napinsala ang bahay ay informal settler. So ‘yung lupa, etc..

Naggagawa ng plano pero so far ang tinataya nating gastusin dito… ‘Yong pupuntahan kasi nito na bahay, continuing relief assistance. ‘Yong gustong makabalik sa kanilang pinanggalingan, educational assistance sa mga estudyante na walang trabaho sa kasalukuyan ‘yung mga magulang, cash-for- work, supplementary feeding program, temporary na bunkhouses habang ginagawa ‘yung mga bahay na permanente, shelter assistance, livelihood assistance–ang figure is roughly about 3.9 billion. Between the contingency and the calamity fund, which I might add, the lump sum fund na kini-criticize kamakailan lang, we have about 6.1, presently, billion. So ang tinataya sa kasalukuyan, siyempre hindi pa tapos, tapos tatapusin ang plano; sino bang itatayo ulit diyan, sino bang ililipat ng lugar, bibilhin ba natin ang lupa doon, lupa na ba ng gobyerno–lahat ng detalyeng ‘yon. Ulit, 3.89 billion ang tinatayang kailangan nating gastusin, mayroon na tayong nakahanda na 6.1 billion. So may sobra pa. Pati ‘yung, siguro balikan lang natin, noong [bagyong] Pablo, tinataya about 11 billion e, pero ‘yung Pablo kasi, maraming nasira na kalsada, tulay, eskuwelahan, etc. Dito, ine-envision natin na ‘yung mga community na formal settlers nga, e mailalagay, tulad ng mga ibang informal settler program natin na mas maganda na mga komunidad na may kumpletong mga pasilidad, tulad ng mga classroom, tulad ng health center, tulad ng, ‘yung mga common spaces na tinatawag na sa pagkakaintindi ko at least mga basketball court, other sports facilities. In a sense, baka puwede pang mas maging planned ‘yong community dahil sa nangyaring ito. Now, this is just a rough estimate, and what I would like to assure the people is that we have the necessary funds on hand already to take care of that. I’m sure the DSWD, NHA, and the local government unit under our Mayor Climaco have already started discussing, and pagkakaintindi ko kahapon may na-identify nang site. But again, [there are] people who do not want to be distant from the coastline so that will have to be taken into consideration. Ano ba ang kakayahan natin? Siyempre sa coastline mayroon ding tinatawag na easement, at mayroon ding nakatira on the water itself, which I don’t think we can do. So ‘yung makiipag-usap, makipagdiyalogo sa tao para ma-meet ‘yung pangangailangan nila, pero ilagay natin sila sa maayos na kalagayan.

Q: Good afternoon, sir. Follow up lang, kasi kahapon, marami kaming nakausap na mga residente at gusto na talaga nilang umuwi sa kanilang kabahayan. Pero ang tanong ko na lang, sir, kasi ‘yung iba nasagot n’yo na: Mayroon po ba kayo sa kanilang mensahe, lalo na po iyong mga nandoon  sa evacuation centers para po maibsan ho nang kahit kaunti ang kanilang paghihirap; as in sobrang dami na ho ng paghihirap nila?

President Aquino: Number one, naiintindihan natin talaga kung saan sila nanggagaling. Palagay ko, tignan naman po ninyo ang nagawa ng gobyerno: Over a hundred-thousand individuals na matagal nating pinakiusapan na umalis sa mga lugar kung saan pwedeng mailagay sila sa peligro. Kung anuman ang bulusok pagdating doon sa evacuation center, ang report sa akin ay natutugunan both ng DSWD, ng DOH–Secretary Ona was here yesterday–amongst others, at talagang handa tayong pangalagaan sila. Unang-unang pakay, at obligasyon natin sa ilalim ng Saligang Batas, ‘yung welfare, o ‘yung general welfare.

Naiintindihan natin na gusto nilang bumalik. Iyong bahay ba nila sigurado tayong wala nang mga ammunitions na naiwan doon? Sigurado ba tayo na, kunyari may mga mortar na inarm [armed] noong tumakbo, naiwan? Kapag may nakakita ba nitong mortar round na ito, anong gagawin ng tao? So parang may kakulangan sa panig ng gobyerno kung pahintulutan nating, “Sige, pumunta na kayo diyan” na hindi man lang natin nasuri kung safe na ‘yung lugar. So humihingi ako ng paumanhin sa inyo. Alam naman ninyo kung gaano kalawak: limang barangay ang pinag-uusapan natin dito. Mayroon pang action na natitira, pero pagkatapos noon, kailangan din ng oras naman ng ating security forces para masigurado [na] pagbalik doon sa mga bahay na nakatayo pa, eh safe at hindi ka ilalagay sa panganib, dahil ‘pag mayroong mangyari sa inyo kung kailan natapos ang kaguluhan, palagay ko naman lalong malaki ang sising aabutin namin.

Q: Sir, parang napansin ko lahat na ho ng opisyales ay nandito sa Zamboanga. Hanggang kailan n’yo po sasamahan ang mga taga-Zamboanga?

President Aquino: Well, pilitin ko hanggang matapos itong immediate na crisis. Palagay ko, babalik ako kapag natapos iyong plano para maipaliwanag ang detalye kung ano ang gagawin ng gobyerno para kanino, saan, kailan. I don’t expect that to take too long.

Pero balikan ko lang nga: Siguro gusto ko lang iwan sa mga nakikinig po sa atin sa kasalukuyan na handa ang gobyernong tumugon sa lahat ng suliranin. Ito, palagay ko, in a sense, unique, ‘no? Nailikas mo ang daang libo, at hindi kami humingi ng… o hindi kami gumawa ng excuses kung hindi mapakain, kung hindi matugunan ang pangagagamot. Siguro, patunay iyon na ready sila. Kapag may nagsasabi sa akin na “parang ang cool mo?” Sabi ko, ‘pag heto ang mga kasamahan mo, na lahat ay ginagampanan iyong kailangan nilang gawin na hindi mo na kailangang utusang gampanan, at kung anumang pagsubok na palaki nang palaki ay natutugunan pa rin, ay talaga namang napapahanga ako sa kanila, at doon nagmumula iyong kompiyansa na malalampasan natin kung anuman ang pagsubok dito.

Siguro as a last thing na lang: Hindi pa huli ang lahat. Doon sa mga natitira na puwersa ng kalaban: Sa akin, mahalaga ng buhay. Baka naman gusto ninyong tignan kung mahalaga rin ang buhay ninyo, at hindi pa huli ang lahat, para tapusin ito, nang mabawasan iyong namamatay o nasusugatan. Nasa inyong kamay iyan.




GPH Website


http://www.gov.ph/


Article links:

http://www.gov.ph/2013/09/12/statement-of-the-un-resident-and-humanitarian-coordinator-in-the-phl-on-zamboanga-city/





OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights

Home - Human rights Promotions Website



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

Friday, September 13, 2013

HUMAN RIGHTS ADVOCACY PROMOTIONS - Saturday Updates Weekly SEPTEMBER 14, 2013



HUMAN RIGHTS ADVOCACY PROMOTIONS
  PROMOTIONS, EDUCATIONS, COMMENTARY, CRITICISMS AND SUGGESTIONS
ON HUMAN RIGHTS AND GOOD GOVERNANCE

Saturday Updates Weekly SEPTEMBER 14, 2013

More anti-pork vigils urged as ‘EDSA Tayo’ sends hopes soaring

Over 100 cops to beef up troops vs MNLF fighters in Zamboanga City

Statement of Secretary Teresita Quintos Deles: On the situation in Zamboanga City

Friday, September 6, 2013

HUMAN RIGHTS ADVOCACY PROMOTIONS - HUMAN RIGHTS ADVOCACY PROMOTIONS



HUMAN RIGHTS ADVOCACY PROMOTIONS
  PROMOTIONS, EDUCATIONS, COMMENTARY, CRITICISMS AND SUGGESTIONS
ON HUMAN RIGHTS AND GOOD GOVERNANCE

Updates Weekly SEPTEMBER 07, 2013

P1-B performance fund to drive LGU excellence Friday 6th of September 2013

For the record: On the President’s Social Fund and the Special Purpose Funds