From the Website of GPH - Government of the Philippines
links: http://www.gov.ph/2013/09/19/press-briefing-by-president-aquino-on-zamboanga-city-september-19-2013/
links: http://www.gov.ph/2013/09/19/press-briefing-by-president-aquino-on-zamboanga-city-september-19-2013/
Press briefing by President Benigno S. Aquino III:
On Zamboanga City
On Zamboanga City
[Zamboanga Airport on September 19, 2013]
Q: Alam naman
po namin na hindi nagbibigay ng timeline para sa mga ganitong operasyon
pero madami po ang nagtatanong, may kasiguruhan po ba na matatapos ito o
hindi na ito aabot sa susunod na linggo?
President Aquino:
Siguro ang dapat na tanong doon: Importante ba ‘yung oras kung kailan
tatapusin ‘to o importante ba ‘yung hostages na natitira pa? At sa
aking pananaw, importante ‘yung buhay. So magdidikta ng kailan matatapos
ito: ‘yung kakayahan natin, ‘yung intelligence information natin, ‘yung
abilidad natin na mailayo sa kapahamakan yung mga hostages na natitira.
So iyon ang first priority. Kung puro kalaban ang nandoon, siyempre
ibang usapan ‘yon, pero mayroon pa ring hostages.
Q: As we speak, sir, ilang hostages po ba ngayon ‘yong hawak pa?
President Aquino: About 20.
Q: Sir, ano na po ang naging impact ng krisis na ito, hindi lamang sa Zamboanga City, kundi sa bansa natin?
President Aquino:
Well, bago nito ‘no, ‘yong sa English, “posturing” ni Misuari parang
medyo, parang ang hirap unawain. Nagtawag ng independence pero nagsabing
ituloy ‘yong peace process. ‘Pag nag-a-assemble, tinatawag nilang
“peaceful rally.” Dito, sinubukan nilang i-push ‘yong envelope–’yong
tolerance ng gobyerno. Maglalakad sa ibang hindi naman kabilang ng ARMM,
armado. Hindi pwede ‘yon. ‘Pag binibigyan mo ng lagim o binibigyan mo
ng dahilan para matakot ang mga mamamayang nananahimik, tutugunan ka ng
gobyerno.
Q: Sir, how involved are you in the decision making in order to solve this crisis here in Zamboanga?
President Aquino:
I’m both Commander-in-chief and President. Therefore, at the end of the
day, everything is my responsibility. So, I’m very involved. From
everything, to getting briefed and putting some of my inputs into the
security operations. Mayroon din ‘yong others who make the effects of
the crisis less; that means ‘yong DSWD, I get briefed, I asked them what
is needed etc.; authorized the releases of funds; to talk to Bangko
Sentral to ensure that the cash supply–’yong physical cash supply, is
present; to tell DTI, DOTC, and DA to ensure that basic food stuffs are
available, from the time before I left Manila to the present, to include
not just Zamboanga City but BASULTA.
Q: Sir,
kamusta po ‘yong war room? Balita kasi namin parang madaling araw kayo
nagigising, talagang nagco-command kayo sa different heads in order to
solve this crisis?
President Aquino:
Mahirap naman siguro magbigay ng image na nagma-micromanage ako. Hindi.
In-assign natin bawat tao sa puwesto dahil may paniniwala tayo na may
kakayahan sila na tugunan ang kanilang responsibilidad. Kung minsan,
mayroon tayong katanungan, hinihingan natin ng clarification, at
sinisigurado rin natin, kaya nagpunta din tayo dito… Alam mo noong bago
ako umabot dito, Friday, nag-uusap kami, telepono, may video
conferencing na kailangan i-improve, medyo ‘yong layo baka magkaroon ng
hindi klaro na pag-unawa doon sa ating mga kautusan. So nagpunta tayo
dito para mas mabilis ‘yong pagbigay ng impormasyon at pagbigay din ng
desisyon, at iklaro ang anuman ang kailangang klaruhin, either doon sa
mga konsepto o doon sa desisyon na ating pinaiiral.
Q: Sir, sa kabila po ng patuloy na ginagawang operasyon, may ginagawa pa rin po ba ang pamahalaan na negosasyon sa MNLF?
President Aquino:
Mayroon. Kaya nga nililiwanag natin na itong katunggali natin sa
kasalulukyan ‘yong MNLF na Misuari na grupo. Mayroong mga ibang grupo ng
MNLF. Siguro ang dapat naman nating ipaalala ulit sa sambayanan na sila
mismo, ‘yung mga ibang pakasyon, ay nagkondena nitong kasalukuyang
pangyayari mula noong umpisa pa. So ‘yung patakaran natin, ‘yung handang
makipag-usap ng mapayapa at makipagdiyalogo ay talagang haharapin,
ine-encourage natin.
‘Yung tao namang maglalagay sa
lahat ng mamamayan sa panganib ay talaga namang haharapin din ng
estado. So kung mapayapa kang haharap, mapayapa kang haharapin ng
gobyerno para magkaroon ng kaayusan. At ‘yung, sa English, ‘yung
“permanent peace.” Pero kung ang gusto mo naman ay pairalin lang ‘yung
sa iyo at maghahasik ka ng lagim sa nakararami, hindi rin papayagan ng
gobyerno ‘yon.
Q: Sa ngayon, sir, makikipag-usap pa ba tayo sa kanila o sila makikipagusap pa rin ba sa pamahalaan?
President Aquino:
Well, nitong linggong ito, mayroon dapat sa Indonesia eh. At sa totoo
lang, inaasahan natin na sana natuloy ‘yon kaya lang dumating ito at
tumitibay ang ebidensya na may kinalaman si Chairman Misuari dito. So,
isa dapat siya sa kausap sa Indonesia, at biglang nagbago siya at ang
kanyang track. O di siyempre mayroon tayong necessary reaction doon.
Q: Hindi na po mangyayari ‘yung sa Indonesia na usapan?
President Aquino:
Hahamunin pa rin natin dahil doon sa mga paksyon sa MNLF na talaga
namang gustong tapusin ang process, eh bakit natin ititigil? Pero doon
naman sa talagang gustong manggulo, eh hindi rin natin papayagan. Kaso
ang diretsahang tugon sa tanong mo, nasa kanila ‘yan kung saan ang gusto
nilang puntahan, pero tayo handang makipagusap ng kapayapaan pero handa
rin tayong kumilos kung sila nga ay nagbigay ng kapahamakan sa ibang
mamamayan.
Q: Mr. President, buenas tardes.
President Aquino: Buenas tardes.
Q: Mr.
President, marami na pong krisis na pinagdaanan ‘yong Zamboanga, at ito
pong krisis na ito daang libong Zamboangeños po ang na-displace. Tanong
po ng lahat, tanong po ng Zamboangeños: Kailan po ito matatapos at ano
po ang katiyakang maibibigay ninyo sa mga Zamboangeños na hindi na po
ito mauulit pang muli? Thank you po. Muchos gracias.
President Aquino:
“Hindi na mauulit muli.” Alam ninyo, uulitin ko, saan tayo nagmula:
Nagsalita ng independence ‘pag tinanong mo kung sino ang nakarinig or
mayroon ba tayong photographic evidence, recordings, videographic
evidence na he declared independence. Ang balik sa atin ng ating
intelligence community walang diretsahang nagsabi nag-declare siya ng
independence. Ang mga nagsasabi lang ay ‘yong mga taong nakarinig
diumano sa kanya. ‘Pag dumating doon sa specifics ano ba ang ibig
sabihin nitong declaration of independence, ang sabi n’ya tuloy ‘yung
peace process, ‘yung tripartite review–lahat n’on. Tinanggal n’ya ‘yong
elements ng sedition at rebellion na calling for an armed uprising at
saka depriving the government of authority over its territory. Itong
biglang ginawa nila, malalaman natin later on na after matapos ng lahat
ng ito: Ito ba talagang pumoporma lang kayo o talagang ang intensyon
n’yo ay sumubok talagang magkalat ng kaguluhan sa napakaraming lugar?
Anong assurance sa ating hindi
na mauulit ito? Siyempre pagbubutihin pa natin lalo na ang ating intel
services. Siguro dapat makita natin dito, noong umusbong na ang krisis,
handa na ang security forces pero more significantly, ‘yung sinabi ko
nga sa inyo marami ring puwersa nang nag-umpisa, nang nagbakbakan sa
dagat hindi pa sa lupa, nagkalat-kalat ‘yong kanilang tinatayang
dalawang daang puwersa–hindi nakamask. Pero the following day nakuha
nating mailipat lahat ng forces para magkaroon ng overwhelming force
laban sa kanila. Kaya ulit, nakita naman natin, imbes na mapalawak ‘yong
teritoryong nababalot sa dilim, eh napaliit nang napaliit mula noong
unang araw.
So, eto siguro–paano natin
masasabing “wala nang mangyayaring ganito?” Number one, bawas ‘yong
puwersa nila. Number two, may demonstration kung ano ang ibig sabihin ng
gobyerno ‘pag sinabi niyang handa at tutugunan o haharapin kung anuman
ang pagsubok na gagawin sa kanya. Dito siguro baka nag-isip silang
mahabang magda-drama tayo na parang may somewhat of a balance. Dito
palagay ko dinemonstrate [demonstrate] ng estado na mabigat ang puwersa
ng estado at handang gamitin at gagamitin ‘to. So ‘yong iba na nag-iisip
ng ganitong kilos, mapapag-isip. Gagawin ba n’yo ‘to? ‘Di naman kayo
magkakaroon ng publicity for a day. Talagang nandyan na–ano ba sa
Tagalog ‘yun–encirlced na kayo at pinakitang hindi kayo ganoong kalakas
na pwersa.
Ngayon, puwede ko bang sabihin
na may guarantee ‘yung walang terrorist activities? Palagay ko walang
bansang puwedeng maggarantiya na walang terrorism. Pero mapapangako ko
sa inyo, talagang pinipilit natin na, number one, madagdagan ‘yung
puwersa ng ating kasundaluhan-kapulisan. May kakulangan tayo talaga
doon. Naalala n’yo ‘yung sinabi ko naman sa inyo noong araw. ‘Yong ating
kapulisan-kasundauhan eh eksato ang bilang noong panahon ng EDSA. EDSA,
‘yung 250,000 natin nagbabantay sa 50 million. Ngayon ‘yong 250,000
nagbabantay sa 95 million. Mayroon pa tayong problema sa ating
territorial waters, amongst other things.
So, ayaw naman nating bigyan
ng mission ang sinuman na mahirap gawin so bibigyan natin ang
kaukulanga–binigyan at bibigyan ng kakulangang kasangkapan at tauhan
para magampanan ang kanilang mission. At the end of the day, ‘yong
pakikipagtulungan ng publiko ang malaking bagay na madadagdagan ‘yung
kakayahan ng ating gobyerno.
Mayroong mga reports na parang
pinaghandaan ito ng one year. Mayroong nagsasabing baka nag-smuggle
sila dito sa Zamboanga City nang medyo mahaba-habang panahon. Siyempre
ang aking mga katanungan: Paano nakapaghanda nang ganyang katagal na
hindi napansin? Siguro naman mayroong mga nakapansin ng ibang bagay dito
at diyan, at sana napaalam sa kaukulang otoridad. Pero hindi nangyari
‘yon. So gusto ko ring malaman paano ba natin matatakpan ang ganyang
sitwasyon.
Q: Ano po ang maibibigay n’yong tulong sa mga Zamboangeños?
President Aquino:
Doon muna tayo sa mga nasunog na bahay. Siyempre nakikipag-ugnayan kami
kay Mayor Climaco dahil mayroon mga nagsasabi sa atin na hindi pwedeng
ilikas lang sila sa ibang lugar. Mayroong mga pangangailangan na tabi ng
dagat, etc. Mayroong nagsasabi na marami dito sa mga napinsala ang
bahay ay informal settler. So ‘yung lupa, etc..
Naggagawa ng plano pero so far
ang tinataya nating gastusin dito… ‘Yong pupuntahan kasi nito na bahay,
continuing relief assistance. ‘Yong gustong makabalik sa kanilang
pinanggalingan, educational assistance sa mga estudyante na walang
trabaho sa kasalukuyan ‘yung mga magulang, cash-for- work, supplementary
feeding program, temporary na bunkhouses habang ginagawa ‘yung mga
bahay na permanente, shelter assistance, livelihood assistance–ang
figure is roughly about 3.9 billion. Between the contingency and the
calamity fund, which I might add, the lump sum fund na kini-criticize
kamakailan lang, we have about 6.1, presently, billion. So ang tinataya
sa kasalukuyan, siyempre hindi pa tapos, tapos tatapusin ang plano; sino
bang itatayo ulit diyan, sino bang ililipat ng lugar, bibilhin ba natin
ang lupa doon, lupa na ba ng gobyerno–lahat ng detalyeng ‘yon. Ulit,
3.89 billion ang tinatayang kailangan nating gastusin, mayroon na tayong
nakahanda na 6.1 billion. So may sobra pa. Pati ‘yung, siguro balikan
lang natin, noong [bagyong] Pablo, tinataya about 11 billion e, pero
‘yung Pablo kasi, maraming nasira na kalsada, tulay, eskuwelahan, etc.
Dito, ine-envision natin na ‘yung mga community na formal settlers nga, e
mailalagay, tulad ng mga ibang informal settler program natin na mas
maganda na mga komunidad na may kumpletong mga pasilidad, tulad ng mga
classroom, tulad ng health center, tulad ng, ‘yung mga common spaces na
tinatawag na sa pagkakaintindi ko at least mga basketball court, other
sports facilities. In a sense, baka puwede pang mas maging planned ‘yong
community dahil sa nangyaring ito. Now, this is just a rough estimate,
and what I would like to assure the people is that we have the necessary
funds on hand already to take care of that. I’m sure the DSWD, NHA, and
the local government unit under our Mayor Climaco have already started
discussing, and pagkakaintindi ko kahapon may na-identify nang site. But
again, [there are] people who do not want to be distant from the
coastline so that will have to be taken into consideration. Ano ba ang
kakayahan natin? Siyempre sa coastline mayroon ding tinatawag na
easement, at mayroon ding nakatira on the water itself, which I don’t
think we can do. So ‘yung makiipag-usap, makipagdiyalogo sa tao para
ma-meet ‘yung pangangailangan nila, pero ilagay natin sila sa maayos na
kalagayan.
Q: Good
afternoon, sir. Follow up lang, kasi kahapon, marami kaming nakausap na
mga residente at gusto na talaga nilang umuwi sa kanilang kabahayan.
Pero ang tanong ko na lang, sir, kasi ‘yung iba nasagot n’yo na: Mayroon
po ba kayo sa kanilang mensahe, lalo na po iyong mga nandoon sa
evacuation centers para po maibsan ho nang kahit kaunti ang kanilang
paghihirap; as in sobrang dami na ho ng paghihirap nila?
President Aquino:
Number one, naiintindihan natin talaga kung saan sila nanggagaling.
Palagay ko, tignan naman po ninyo ang nagawa ng gobyerno: Over a
hundred-thousand individuals na matagal nating pinakiusapan na umalis sa
mga lugar kung saan pwedeng mailagay sila sa peligro. Kung anuman ang
bulusok pagdating doon sa evacuation center, ang report sa akin ay
natutugunan both ng DSWD, ng DOH–Secretary Ona was here
yesterday–amongst others, at talagang handa tayong pangalagaan sila.
Unang-unang pakay, at obligasyon natin sa ilalim ng Saligang Batas,
‘yung welfare, o ‘yung general welfare.
Naiintindihan natin na gusto
nilang bumalik. Iyong bahay ba nila sigurado tayong wala nang mga
ammunitions na naiwan doon? Sigurado ba tayo na, kunyari may mga mortar
na inarm [armed] noong tumakbo, naiwan? Kapag may nakakita ba nitong
mortar round na ito, anong gagawin ng tao? So parang may kakulangan sa
panig ng gobyerno kung pahintulutan nating, “Sige, pumunta na kayo
diyan” na hindi man lang natin nasuri kung safe na ‘yung lugar. So
humihingi ako ng paumanhin sa inyo. Alam naman ninyo kung gaano kalawak:
limang barangay ang pinag-uusapan natin dito. Mayroon pang action na
natitira, pero pagkatapos noon, kailangan din ng oras naman ng ating
security forces para masigurado [na] pagbalik doon sa mga bahay na
nakatayo pa, eh safe at hindi ka ilalagay sa panganib, dahil ‘pag
mayroong mangyari sa inyo kung kailan natapos ang kaguluhan, palagay ko
naman lalong malaki ang sising aabutin namin.
Q: Sir,
parang napansin ko lahat na ho ng opisyales ay nandito sa Zamboanga.
Hanggang kailan n’yo po sasamahan ang mga taga-Zamboanga?
President Aquino:
Well, pilitin ko hanggang matapos itong immediate na crisis. Palagay
ko, babalik ako kapag natapos iyong plano para maipaliwanag ang detalye
kung ano ang gagawin ng gobyerno para kanino, saan, kailan. I don’t
expect that to take too long.
Pero balikan ko lang nga:
Siguro gusto ko lang iwan sa mga nakikinig po sa atin sa kasalukuyan na
handa ang gobyernong tumugon sa lahat ng suliranin. Ito, palagay ko, in a
sense, unique, ‘no? Nailikas mo ang daang libo, at hindi kami humingi
ng… o hindi kami gumawa ng excuses kung hindi mapakain, kung hindi
matugunan ang pangagagamot. Siguro, patunay iyon na ready sila. Kapag
may nagsasabi sa akin na “parang ang cool mo?” Sabi ko, ‘pag heto ang
mga kasamahan mo, na lahat ay ginagampanan iyong kailangan nilang gawin
na hindi mo na kailangang utusang gampanan, at kung anumang pagsubok na
palaki nang palaki ay natutugunan pa rin, ay talaga namang napapahanga
ako sa kanila, at doon nagmumula iyong kompiyansa na malalampasan natin
kung anuman ang pagsubok dito.
Siguro as a last thing na lang: Hindi pa
huli ang lahat. Doon sa mga natitira na puwersa ng kalaban: Sa akin,
mahalaga ng buhay. Baka naman gusto ninyong tignan kung mahalaga rin ang
buhay ninyo, at hindi pa huli ang lahat, para tapusin ito, nang
mabawasan iyong namamatay o nasusugatan. Nasa inyong kamay iyan.
GPH Website
http://www.gov.ph/2013/09/12/statement-of-the-un-resident-and-humanitarian-coordinator-in-the-phl-on-zamboanga-city/
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human RightsHome - Human rights Promotions Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment