Friday, January 24, 2014

Press statement on Sen. Bong Revilla's privilege speechJanuary 20, 2014


From the Website of DILG
links:  http://www.dilg.gov.ph/news.php?id=768&newsCategory=Central


DILG Central News


Press statement on Sen. Bong Revilla's privilege speechJanuary 20, 2014

Naiintindindihan ko kung bakit galit si Sen. Bong Revilla sa mundo. Mahirap ang sitwasyon niya na may testigong at COA documents nagapapatunay ng koneksyon niya sa Napoles scam. Pero hindi solusyon sa problema niya ang paglilihis ng isyu, pagbaluktot sa katotohanan at panloloko ng tao.

Sagutin na lamang niya ang mga sinabi ng mga testigo laban sa kanya at ipaliwanag na lamang niya ang mga
dokumentong nag-uugnay sa kanya sa Napoles scam.

Sa isyu naman ng pagpupulong nila ni Pangulong P-Noy, natural sa Pangulo na humarap sa matataas na opisyal ng bayan.

Dati kaming magkasama ni Senator Bong sa Senado kaya nang iparating niya na mayroon siyang gustong i-take-up sa Pangulo kasama ang Cityhood ng Bacoor at ang kanyang pagiging Pangulo ng Partido Lakas, gumawa ako ng paraan para magkausap sila.

Noong oras na iyon, wala sa Malakanyang at nasa Bahay Pangarap ang Pangulo. Para matugunan ang reglamento ng PSG at hindi na maaberya si Senator Bong, ako na ang nagmaneho ng sasakyan papunta sa Bahay Pangarap.

Tungkol naman sa isyu ng plaka, kasinungalingan ang sinabi niya na tinanggal ko ang plaka ng sasakyan ko bago kami pumunta sa Bahay Pangarap. Hindi talaga ako gumagamit ng official plate. Hindi ito nakakabit sa sasakyan ko. Ang ginagamit ko ay ang regular na plaka na iniisyu ng LTO. Kahit na sino ang nakakakilala sa akin nang matagal, hindi ako gumamit nang otso na plaka noong kongresman , siyete noong senador at sais nang Cabinet Secretary. Hindi ko nakaugalian na ikabit ito sa aking sasakyan.




DILG Website





OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights

Home - Human rights Promotions Website



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment