From the Website of GPH - Government of the Philippines
links: http://www.gov.ph/2014/04/16/message-of-president-aquino-for-the-holy-week-april-16-2014/
Mensahe
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa sambayanang Pilipino
Para sa Mahal na Araw
[Ika-16 ng Abril 2014]
Ngayong Semana Santa, ginugunita po
natin ang dakilang sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo: Ang
pag-aalay ng Kanyang buhay para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Batid po natin ang tindi at bigat ng
bawat pagdurusang Kanyang pinagdaanan. Humarap siya sa sangandaan:
Bilang tao, iwinaksi Niya ang tukso, at kusang-loob na tinanggap ang
bawat parusa’t pang-aalipusta.
Sa Kanyang pagpapakasakit sa hardin ng
Gethsemane, ipinaubaya Niya ang lahat sa kalooban ng Diyos-Ama. Hinarap
Niya ang mga kalbaryo upang mabigyan tayo ng pagkakataon sa buhay na
walang hanggan.
Magsilbi po sanang inspirasyon sa atin
ang ipinamalas na pagmamahal ni Hesukristo. Ito ang naging sandigan ng
Kanyang mga disipulo sa pagpapatuloy ng mabuting gawain. Ito ang gabay
natin ngayon bilang mga Kristiyano sa pagharap sa sarili nating mga
sangandaan at sa pagsisilbing tanglaw sa mga Kristiyano ng kinabukasan.
Sa atin nga pong pagtahak sa tuwid na
daan, humaharap tayo sa mga pagsubok. Ang panawagan po sa atin: Bilang
Kanyang mga tagasunod, nawa’y maging handa rin tayong tumanggap ng
sarili nating mga sakripisyo. Tiyak naman pong lahat ng ating
pinaghirapan ay may positibong ambag para sa ikabubuti ng mas
nakakarami. At di po ba, napakaliit lamang ng hinihingi sa atin kumpara
sa ibinigay ni Hesukristo?
Huwag po sana nating kalimutan: Ang
pagpapakumbaba, pagmamalasakit, at paggawa ng matuwid ay hindi lamang
para sa Mahal na Araw. Ang ginagawa nating pagninilay at panalangin ay
paghahanda lamang para sa isang buong buhay ng pagsunod sa halimbawa ni
Kristo.
Hangad ko po ang isang makabuluhan at mapayapang Mahal na Araw para sa bawat Pilipino.
GPH Website
http://www.gov.ph/2014/04/16/message-of-president-aquino-for-the-holy-week-april-16-2014/
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human RightsHome - Human rights Promotions Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
----------------------------------------------------------------------------------------------- ------------------------------------------------------------ ----------------------------------- |
0 comments:
Post a Comment