From the Website of DILG
links: http://www.dilg.gov.ph/news/Roxas-tutungo-sa-Eastern-Samar-upang-tumulong-sa-mga-paghahanda-sa-bagyo/NC-2014-1145
Roxas, tutungo sa Eastern Samar upang tumulong sa mga paghahanda sa bagyo
Sa kabila ng masamang
panahong inaasahan sa susunod na 48 oras, tutungo si Interior at Local
Government Secretary Mar Roxas sa Borongan, Eastern Samar ngayong araw
upang tumulong sa mga paghahanda ng mga LGU sa pagtama ni super typhoon
Ruby sa lupa.
Sa paggabay ni Pangulong Aquino at bilang vice chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), inaasahang puntahan at suportahan ni Sec. Roxas ang mga mayor ng Eastern Samar na kanyang tinaguriang mga "first responder" o unang tutugon sa panahon ng sakuna.
Ayon sa briefing ng NDRRMC noong Huwebes, ang Eastern Samar ang isa sa mga lalawigang tatamaan ng bagyong Ruby o kilala sa ibang bansa bilang "Hagupit."

Ani Roxas, humigit 50 sa 80 lalawigan ang maaapektuhan at may 995 nang bayan at 85 na lungsod sa mga lugar na ito.
Naiulat ding magkakaroon ng malakas na pag-ulan sa Hilagang Leyte at Silangang Samar, at mga daluyong o "storm surge" na aabot sa 3-4 na metro (sintaas ng isang bahay na may isang palapag.) Dahil dito, pinadalhan na ng instruksyon ang mga mayor sa pamamagitan ng tawag, text at memo ukol sa mga dapat nilang gawing mga paghahanda.
Iniulat din ni Roxas na makikipag-ugnayan ang DILG sa Department of Science and Technology (DOST), Office of Civil Defense (OCD) at sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) upang i-evacuate ang mga tao sa mga high risk area na dadaanan ng bagyo.
Alerto na rin maging ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na ito, na tinanggalan na ng leave o liban para sa mga darating na araw upang masiguro ang sitwasyong pangkapayapaan at pangkaayusan.

DILG Website
http://www.dilg.gov.ph/
links:
http://www.dilg.gov.ph/news/Roxas-tutungo-sa-Eastern-Samar-upang-tumulong-sa-mga-paghahanda-sa-bagyo/NC-2014-1145
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights
Home - Human rights Promotions Website
HUMAN RIGHTS PROMOTIONS
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment