From the Website of DOLE
links: https://www.dole.gov.ph/news/view/3642
Araw ng Paggawa, pangungunahan ni Pangulong Duterte
Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1 sa Davao City, pahayag ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III.“Isang karangalan para sa amin na pangunahan ng ating Pangulo ang ating pagdiriwang sa Araw ng Paggawa,” ani Bello.
Pangungunahan ni Pangulong Duterte ang pagtitipon sa Araw ng Paggawa at ang dayalogo kasama ang mga manggagawa na gaganapin sa People’s Park sa Davao City.
Pupulungin ni Presidente, kasama ang mga pinuno ng labor department, ang mga lider ng unyon mula sa national at local federation, upang talakayin at tugunan ang mga usapin ukol sa paggawa at empleo.
Susundan ang dayalogo ng Labor Day Assembly na dadaluhan ng may 10,000 manggagawa. Ito ang magiging daan para sa iba’t ibang labor at civil society organisation, gayundin sa mga ordinaryong manggagawa mula sa sektor ng publiko, pormal, impormal, kabataan, kababaihan, at migrante na sama-samang gunitain ang tagumpay ng kilos-paggawa at ang patuloy na adbokasiya para sa maayos na paggawa, ekonomiya at pangkagalingan.
Sa gaganaping pagdiriwang magpapa-raffle ng isang house and lot mula sa Home Development Mutual Fund (HDMF) at 15 tricycle mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Employees’ Compensation Commission (ECC).
Kasabay nito, magsasagawa rin ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job at business fair na gaganapin sa 55 iba’t ibang lugar sa buong bansa.
Tinatayang may 1,138 employer ang lalahok mula sa 8 ahensiya ng pamahalaan, 889 lokal na kompanya, at 241 employer para sa trabaho sa ibang bansa.
May kabuuang 201,811 oportunidad sa trabaho ang iaalok.
Sa mga bakanteng trabaho, 3,422 ang mula sa sektor ng pamahalaan; samantalang sa pribadong sektor, 69,944 para sa lokal na trabaho at 128,445 para sa ibang bansa.
Bilang bahagi ng isang-buwang pagdiriwang, magsasagawa din ang DOLE ng iba’t ibang gawain para sa Araw ng Paggawa mula sa katapusan ng Abril hanggang sa unang dalawang linggo ng Mayo.
Sa Abril 29, ang DOLE regional office at attached agencies ay magsasagawa ng DOLE Clinics kung saan magbibigay ng serbisyo tulad ng tulong sa paghahanap ng trabaho, pagpapatupad ng batas-paggawa, pagresolba sa mga di-pagkakaunawaan, at tulong-pangkabuhayan.
Sa Mayo 6, magkakaroon ng livelihood forum sa Davao City bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawa sa impormal na sektor. Magkakaroon din ng paglalagda ng kasunduan sa pagitan ng DOLE at DTI para sa mga proyektong pangkabuhayan.
Sa ikalawang linggo ng Mayo, magsasagawa ng espesyal na job fair, sa pakikipagtulungan ng National Housing Authority (NHA), para sa mga na-relocate ng NHA sa mga piling lugar sa Bulacan.
Gaganapin ang job fair sa mga sumusunod na lugar:
May 8 – Pandi Residence 2; at Balagtas Heights, Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan.
May 9 – Towerville 6, Brgy. Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan at St. Martha Estate Homes, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan
May 10 – Pandi Residence 1, at Pandi Village 2, Bulacan.
Ginugunita ang 2017 Araw ng Paggawa na may temang, “Matatag na Kabuhayan at Trabaho Tungo sa Progresibong Pagbabago.”
DOLE Website
http://www.dole.gov.ph/
links:
https://www.dole.gov.ph/news/view/3642
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights
Home - Human rights Promotions Website
HUMAN RIGHTS PROMOTIONS
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------------
http://www.dole.gov.ph/
links:
https://www.dole.gov.ph/news/view/3642
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights
Home - Human rights Promotions Website
HUMAN RIGHTS PROMOTIONS
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------------
0 comments:
Post a Comment