From the Website of DILG
links: http://www.dilg.gov.ph/news/DILG-Malaking-bilang-ng-kakandidato-sa-halalan-sa-barangay-at-SK-patunay-na-mas-marami-na-ang-gustong-magpatupad-ng-pagbabago/NC-2018-1111

DILG: Malaking bilang ng kakandidato sa halalan sa barangay at SK, patunay na mas marami na ang gustong "magpatupad ng pagbabago"
Ikinagagalak
ng Department of the Interior and Government (DILG) na mahigit sa isang
milyong Pilipino ang naghain ng kanilang certificates of candidacy
(COCs) para sa tinatayang 600,000 posisyon sa Barangay at Sangguniang
Kabataan elections (BSKE) ngayong nalalapit na Mayo 14, 2018.
Sinabi ni DILG OIC-Secretary Eduardo M. Ano na ang malaking bilang ng kakandidato sa loob ng walong araw na paghahain ng COCs ay indikasyon na dumarami ang Pilipinong gustong maging bahagi ng pagbabagong isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa bansa.
“Maganda itong indikasyon na ang mga Pilipino ngayon ay mas aktibo at gustong mamuno sa pagsulong ng pagbabago sa kani-kanilang komunidad,” saad ni Ano.
Binigyan ng isang araw na palugit hanggang noong Sabado, Abril 21, ang paghahain ng COCs na dapat ay mula Abril 14 hanggang Abril 20, 2018 lamang.
Noong Abril 20, 2018 pa lamang, tumanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng kabuuang 1,070,991 na COCs para sa barangay at youth elections --- 684,785 ang para sa mga posisyon sa barangay, samantalang 386,206 para sa mga posisyon sa Sangguniang Kabataan (SK).
Aktibong tumutulong ang DILG sa information, communication at education campaign ng Comelec sa publiko para sa makabuluhang pagbabago sa lebel ng barangay sa pamamagitan ng partisipasyon sa halalan.
Nalugod naman si DILG Spokesperson at Assistant Secretary Jonathan Malaya sa malaking bilang ng mga kakandidato sa eleksyon sa barangay at SK sapagkat makapagbibigay ito ng malawak na pagpipilian ng mga botante sa eleksyon.
“Mas maraming kandidato, mas maraming pagpipilian ang publiko kung sino ang sa tingin nila ay sinsero at may kakayahan na magpatupad ng makabuluhang pagbabago sa barangay,” pahayag ni Malaya.
Ayon pa sa tagapagsalita ng DILG, “ito ay umaayon din sa pagsisikap ng Kagawaran na mahikayat ang publiko na pumili ng matitino, mahuhusay at maaasahang mga opisyal ng barangay at SK.”
Una rito, nanawagan ang DILG sa lahat ng barangay at SK candidates na boluntaryong magsumite ng kanilang resume sa Comelec kasabay ng paghahain nila ng COCs.
Sa darating na May 14, ang mga rehistradong botante ay boboto ng isang punong barangay at pitong miyembro ng sangguniang barangay, samantalang ang mga kabataan ay maghahalal naman ng isang SK chairperson at pitong miyembro ng SK. Ang mga kabataang nasa edad na 18 hanggang 30 taong gulang ay maaaring bumoto sa parehong barangay at SK elections.
Nasa 671,168 na posisyon ang pagbobotohan sa May 14 manual election, kung saan 335,584 ay para sa barangay at 335,584 naman sa SK.
Batay sa ulat ng DILG, ang barangay at SK elections ay isasagawa sa mahigit 40,000 barangay sa buong bansa maliban lamang sa Marawi City dahil sa isinasagawang rehabilitasyon doon. Pansamantala, ang mga nakaupong opisyal ng barangay sa Marawi ay mananatili muna sa posisyon o nasa “hold over status”.

DILG Website
http://www.dilg.gov.ph/
links:
links:
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human RightsHome - Human rights Promotions Website
HUMAN RIGHTS PROMOTIONS
HUMAN RIGHTS PROMOTIONS
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment