links: http://www.gov.ph/2013/06/07/departure-statement-of-president-aquino-before-the-world-economic-forum-on-east-asia-2013-june-7-2013/
Departure statement of President Aquino before the World Economic Forum on East Asia 2013, June 7, 2013
Pahayag
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Bago ang kanyang pagdalo sa World Economic Forum on East Asia 2013
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Bago ang kanyang pagdalo sa World Economic Forum on East Asia 2013
[Inihayag sa NAIA Terminal 2, Lungsod Pasay, noong ika-7 ng Hunyo 2013]
Members of the Cabinet present; Mayor
Tony Calixto; General Emmanuel Bautista; Police Director Alan Purisima;
our service commanders; Lt. Gen. Lauro Catalino de la Cruz; Vice Admiral
Jose Luis Alano; Lt. Gen. Noel Coballes; Rear Admiral Rodolfo Isorena;
General Manager Jose Angel Honrado; fellow workers in government;
honored guests; mga minamahal ko pong kababayan:
Magandang umaga po sa inyong lahat.
Ngayong umaga, tutulak po tayo patungong
Nay Pyi Taw, Myanmar upang makilahok sa World Economic Forum on East
Asia 2013. Kasama ang mga pinuno’t namumuhunan mula sa iba’t ibang panig
ng daigdig, layunin ng pagpupulong na ito na patibayin, hindi lamang
ang ugnayang pang-ekonomiya ng mga bansa, kundi maging ang kooperasyon
at pagtutulungan sa iba’t iba pang larangan.
Lalong nagiging makabuluhan ang pagdalo
natin dito dahil nakatakdang ganapin ang World Economic Forum on East
Asia 2014 dito po sa atin sa Pilipinas. Ibig sabihin, pagkakataon ito
upang ipaalam ang kakaibang sigla na tinatamasa ng ating ekonomiya sa
tuwid na landas, at hikayatin pa ang mga pinuno at negosyante na huwag
sayangin ang pagkakataong makasabay sa pag-angat ng kinikilalang
“brightest spark” ng Timog Silangang Asya: walang iba kundi ang
minamahal nating Pilipinas.
Magkakaroon din po tayo ng bilateral
meeting kasama si Pangulong U Thein Sein ng Myanmar, upang bumuo ng mga
mekanismo para paigtingin ang pagkapit-bisig ng ating mga bansa sa
kalakalan, pulitika, at seguridad. Nasasabik rin po tayo sa
pakikipagpulong natin kay Madam Aung San Suu Kyi, ang pinuno ng National
League for Democracy, na nagkamit ng Nobel Peace Prize noong 1991,
dahil sa kaniyang paninindigan at kabayanihan para sa demokrasya. Umaasa
po tayong magiging mabunga ang palitan ng mga ideya kasama ang mga
nasabing pinuno, upang pagmulan ng mga kasunduang magpapatibay sa
ugnayan, at magdudulot ng kaunlaran sa ating mga bansa.
Agad din po tayong makakabalik mamayang
gabi, bitbit ang mga positibong oportunidad mula sa Myanmar. Sa ganitong
mga biyahe, hindi natin kailanman kinakalimutan ang pangunahing pakay
namin bilang mga lingkod-bayan: Ang mag-uwi ng mas marami pang
makabuluhang pagkakataon para mga Pilipino, at ibandila ang bagong mukha
ng Pilipinas—isang bansang handang makipagbayanihan sa ibang nasyon
tungo sa maaliwalas na ekonomiya’t pagnenegosyo; isang bansang tunay na
nagniningning at tinitingala ng mundo.
Magandang araw po muli. Maraming salamat po sa lahat.
GPH Website
http://www.gov.ph/2013/06/07/departure-statement-of-president-aquino-before-the-world-economic-forum-on-east-asia-2013-june-7-2013/
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human RightsHome - Human rights Promotions Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment