NDRRMC Situation Report on the effects of the typhoon Yolanda, November 8, 2013 (6:00 a.m.)
From the National Disaster Risk Reduction and Management Council Overview
Typhoon Yolanda has made landfall over Guiuan, Eastern Samar at 4:40 a.m.
The Eye of typhoon Yolanda was located at 62 km Southeast of Guiuan,
Eastern Samar, with maximum sustained winds of 235 kph near the center
and gustiness of up to 275 kph, moving West Northwest at 39kph
Typhoon Yolanda is expected to be at 240 km West Northwest of Coron,
Palawan by Saturday morning. It will be 720 km Northwest of Coron,
Palawan, or outside the Philippine Area of Responsibility (PAR) by Saturday afternoon.
Areas under Public Storm Warning Signal
Signal Number 4
LUZON: Masbate, Ticao Island, Southern Sorsogon, Romblon
LUZON: Rest of Sorsogon, Burias Island, Albay, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Calamian Group of Islands
VISAYAS: Rest of Negros Occidental, Negros Oriental, Rest of Cebu, Bohol
MINDANAO: Siargao, Surigao del Norte
Signal Number 2
LUZON: Catanduanes, Camarines Sur, Sothern Quezon, Laguna,
Batangas, Rizal, Metro Manila, Cavite, Bataan, Lubang Islands, Northern
Palawan, Puerto Princesa
VISAYAS: Siquijor
MINDANAO: Camiguin, Surigao del Sur, Agusan del Norte
Signal Number 1
LUZON: Camarines Norte, Rest of Quezon, Polilio Island, Bulacan, Pamapanga, Zambales
MINDANAO: Misamis Oriental, Agusan del Sur
Effects
Evacuation
A total of 26,675 families (125,604
persons) were evacuated pre-emptively to 109 evacuation centers in 22
provinces, 13 cities, 73 municipalities in Region IV-B, V, VI, VII,
VIII, X, and CARAGA.
Suspension of classes
Classes were suspended in different levels in Regions IV-B, V, VI, VII, VIII, X, XI, and CARAGA.
Stranded
A total of 2,087 passengers, 50 vessels,
557 rolling cargoes and 54 motorbancas are stranded in Region IV-A,
IV-B, V, VI, VII, and VIII.
Cancelled flights
As of November 8, 2013, 28 flights from
Manila to Tagbiliran, General Santos, Iloilo, and Bacolod City have been
cancelled due to the typhoon.
Power interruption
As of November 7, 2013, power
interruption is being experienced in the following municipalities in
Regions IV-B and VIII: San Franciso, Camotes Cebu Torijos and
Buenavista, Marinduque
PahayagngKagalang-galang Benigno S. Aquino IIIPangulo ng PilipinasUkol sa bagyong Yolanda
[Inihayag sa Palasyo ng Malacañan noong ika-7 ng Nobyembre 2013]
Magandang gabi po sa lahat.
Katatapos lang nating kausapin ang mga dalubhasa mula sa DOST, PAGASA,
at Mines and Geosciences Bureau kung saan natin kinuha ang pinakahuling
datos at inaasahang gagawin ng bagyo.
Alam naman po ninyo na si Yolanda ay pumasok na sa ating Area of Responsibility.
Tulad ng ginawa natin noong pagdating ni Pablo noong nakaraang taon,
minabuti ko pong humarap sa inyo upang ipabatid kung gaano kaseryoso ang
peligrong kakaharapin ng ating mga kababayan sa darating na mga araw,
at upang manawagan ng bayanihan at kooperasyon.
Umabot na, at aabot pa, sa
storm signal number 4 ang lakas ng hangin sa ilang mga lugar dulot ng
bagyong ito. Sa kasalukuyang datos, mukha pong mas matindi ang hagupit
ni Yolanda kaysa kay Pablo; nagdarasal na lang nga po tayo na dahil sa
tulin ng takbo nito, ay hindi na siya pumirmi sa ating mga lalawigan
upang gumawa ng mas marami pang pinsala. Nasa 600 kilometro po ang
diameter ng bagyong ito. Inaasahan pong tatama si Yolanda sa mga
probinsya ng Samar at Leyte simula mamayang hatinggabi; babagtasin nito
ang mga probinsya ng Masbate, Cebu, Panay, Romblon, Mindoro, at Palawan,
bago tuluyang lumabas sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado ng
gabi. Bukod sa inaasahang bugso ng hangin, ulan, pag-apaw ng mga ilog,
pati ang posibilidad ng pagdagsa ng lahar sa mga pook malapit sa bulkan
ng Mayon at Bulusan, mino-monitor din po natin ang banta ng mga storm
surge sa mahigit isandaang mga pook. Matindi ang panganib ng storm surge
sa Ormoc, Ginayangan Ragay Gulf sa Albay, at Lamon Bay sa Atimonan.
Maaaring umabot ng lima hanggang anim na metro ang taas ng alon sa mga
lugar na ito.
Nasa Leyte na po sina
Secretary Volts Gazmin at DILG Secretary Mar Roxas upang pamunuan ang
paghahanda sa paglapag ni Yolanda. Ang lahat ng ating mga Disaster Risk
Reduction and Management Council—mula sa pambansa, hanggang sa
rehiyonal, pababa sa antas ng mga munisipyo at lungsod, ay naghahanda na
rin po. Siyempre, kooperasyon ng mga mamamayan ang inaasahan para
magampanan nila ang kanilang trabaho. Nariyan po ang NDRRMC na
nakikipag-ugnayan sa mga apektadong lalawigan, munisipyo, at lungsod,
upang paghandaan ang bagyo, tulad ng pagbibigay ng lahat ng impormasyong
maaaring ibigay, nang mapaghandaan nang sapat si Yolanda. Para sa
dagdag na kaalaman, pumunta po tayo sa mga website ng PAGASA, Mines and
Geosciences Bureau, at ng Project NOAH upang makita kung gaano
kaapektado ang inyong komunidad sa pagdating ng bagyo. Magsilbi rin po
sanang babala ang pahayag na ito sa ating mga LGU: Seryosong peligro po
ang kinakaharap ng inyong mga nasasakupan. Gawin na po natin ang ating
magagawa habang hindi pa lumalapag si Yolanda. Uulitin ko po: Seryosong
peligro ito, at maaaring mabawasan ang epekto kung gagamitin natin ang
impormasyon upang maghanda.
Fully mission capable po ang
tatlo nating C130 upang rumesponde sa nangangailangan. Naka-standby na
rin po ang 32 na eroplano at helicopter ng ating Air Force. Nakapusisyon
na po ang 20 barko mula sa ating Philippine Navy sa Cebu, Bicol,
Cavite, at Zamboanga. Ang mga relief goods ay naka-preposition na rin sa
karamihan ng mga apektado o maaaring maapektuhang lalawigan; sa mga
hindi pa po naaabot dahil pinagbawalan nang pumalaot ang mga barko dahil
sa peligro, umasa po kayong darating agad ang tulong paghupa ng bagyo.
Maaari pong maibsan ang epekto
ng bagyong ito kung magtutulungan tayo. Magpamalas po sana tayo ng
hinahon, lalo na sa pagbili ng ating mga pangunahing bibilhin, at sa
paglikas tungo sa mas ligtas na mga lugar. Makipag-ugnayan at sundin po
natin ang awtoridad. Lumikas na po tayo kung alam nating nasa peligro
ang ating pook. Sa mga nasa baybayin: Huwag na po tayong pumalaot; huwag
na po tayong sumugal upang hindi na rin malagay sa peligro ang buhay ng
ating mga rescuer.
Marami na po tayong
pinagdaanan sa taong ito; tulungan na po sana natin at huwag nang
pahirapan ang ating mga Disaster Risk Reduction and Management Councils
at kanilang mga personnel. Gaya po ng lagi, alam nating walang bagyong
maaaring magpaluhod sa Pilipino kung tayo’y magbabayanihan. Nawa’y
maging ligtas po ang lahat sa mga susunod na araw.
0 comments:
Post a Comment