From the Website of DILG
links: http://www.dilg.gov.ph/news/DILG-targets-to-relocate-26367-Informal-Settler-Families-living-in-high-risk-areas-this-year/NC-2016-1007
Sarmiento ipinag-utos ang pagbuo ng Local Governance Transition Teams
Halos tatlong buwan bago ang eleksyon, ipinag-utos ni
Secretary Mel Senen S. Sarmiento ng Department of the Interior and Local
Government (DILG) sa lahat ng local chief executives na bumuo ng
kani-kanilang Local Governance Transition Teams upang masiguro ang
mapayapang paglilipat ng tungkulin sa mga papasok na bagong- halal o
re-elected na lokal na opisyal.
Sa isang direktiba sa mga gobernador ng mga lalawigan at mga alkalde ng mga lungsod at bayan, sinabi ni Sarmiento na ang pagbubuo ng Transition Teams ay mahalaga para sa pagpapatuloy ng lokal na pamamahala.
"Ngayon pa lamang, dapat ay naghahanda na ang mga Transition Teams at inilalatag ang karpet para sa mga bagong-halal o re-elected na lokal na opisyal sa Hunyo 2016," sabi ng Kalihim.
Sa kanyang memorandum, sinabi ng DILG Secretary na ang bawat lalawigan, lungsod at bayan ay inaasahang lumikha ng transition team bago mag-ika-walo ng Abril 2016.
Ang Transition Teams ay pamumunuan ng local chief executive, habang ang vice-chairperson ay pipiliin mula sa mga kasapi nito na binubuo ng mga pinuno ng mga departamento, at mga kinatawan ng DILG at non-government organization (NGO) o ng people’s organization (PO).
Kabilang sa mga pangunahing responsibilidad ng Transition Teams ay ang pagsasagawa ng imbentaryo ng lahat ng real o immovable properties ng lokal na pamahalaan tulad ng lupa, mga gusali, mga pasilidad sa imprastraktura at mga ginawang improvements nito; at pati na rin movable properties nito tulad ng mga sasakyan, mga kagamitan sa opisina, furniture, fixtures at supply stocks.
Ihahanda rin ng Transition Teams ang lahat ng mga dokumento o mga rekord ng lokal na pamahalaan tulad ng 2015 Commission on Audit Report,Contracts and Loan Agreements, Comprehensive Development Plan, Local Development Investment Plan, 2016 Annual Investment Plan, imbentaryo ng mga tauhan, Executive Orders, Full Disclosure Policy Documents at iba pa.
Responsibilidad din ng transition teams na mag-organisa ng isang turn-over ceremony sa ika-30 ng Hunyo kung saan magkakaroon ng presentasyon ng Governance Assessment Report at mga pangunahing hamon sa mga papasok na hanay ng mga opisyal. ###

DILG Website
http://www.dilg.gov.ph/
links:
http://www.dilg.gov.ph/news/DILG-Chief-to-PNP-Be-real-life-Cardo-Dalisay/NC-2016-1008
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human rights Promotions Website
HUMAN RIGHTS PROMOTIONS
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
HERBERT CURIA
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
----------------------
0 comments:
Post a Comment