President Rodrigo Roa Duterte, distinguished guests, fellow public servants, ladies and gentlemen, good afternoon.
On behalf of the men and women of the Philippine National Police, let me welcome you all to the 115th Police Service Anniversary celebration.
Panahong muli upang sariwain ang makulay na kasaysayan ng pulisya at magbigay pugay sa kabayanihan ng ating mga kapatid na pulis sa nakaraang siglo. The pages of PNP history are filled with stories of both the triumphs and defeats of our police heroes from which we have learned valuable lessons in policing and public service. And as history continues to unfold, we will fill the succeeding pages with our own stories and show our countrymen that their police force remains an organization of fine officers and 1 gentlemen and gallant public servants who are the heroes of our times.
Hamon ng pagbabago, pinag-ibayong serbisyo – yan po ang hinaharap ng Pambansang Pulisya ngayon. Higit na makabuluhan ang pagdiriwang na ito sa gitna ng pagbabagong nagaganap sa ating mahal na bayan. Sa pagpasok ng bagong administrayon sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagkaroon ng panibagong sigla ang ating kapulisan sa pagpapatupad ng batas at paglilingkod sa bayan. Nagising muli sa ating mga puso ang matinding pagmamahal sa bayan at paggalang sa watawat. At naghahari muli sa puso ng kapulisan ang layuning bigyan ng sapat na proteksyon ang taong bayan upang manatili silang ligtas sa anumang kapahamakan.
Never in previous years have we waged such relentless war against crime and illegal drugs. And never in the PNP’s recent history have we awakened such fervor among our men and women to risk life and limb to save our youth and the rest of our countrymen from the vicious claws of the illegal drug menace. Let me just mention some significant results of this campaign.
From July 1 to August 11, we conducted a total of 306,991 house visitations in the implementation of Oplan Tokhang where we knocked and pleaded to suspected drug users and pushers to surrender and mend their ways. As a result, 518,310 users and 45,799 pushers or a total of 564,109 drug personalities surrendered to authorities. A total of 7,830 were arrested while 572 have been killed.
More uniformed police personnel are now visible in the streets and the campaign against crime and lawlessness continues to gain ground. Walang humpay ang ating pagtugis sa mga kriminal, walang tigil ang pagsuyod sa mga lansangan at komunidad upang matukoy ang mga iligal na droga, arestohin ang mga salarin at ibalik ang kapayapaan at kaligtasan ng ating mga kababayan.
At hindi lang yan. We are waging the same war within the PNP to rid our ranks not only of misfits and scalawags but of police personnel involved in illegal drugs. From July 1 to August 10, eighteen (18) PNP personnel have been dismissed from the service, 2 were suspended and 37 cases have been filed. And as everyone knows, more than 30 police officers who were in President Duterte’s list of PNP members involved in the illegal drug trade submitted themselves for investigation here in Camp Crame last August 8. Napakalungkot isipin na may mga pulis na kasangkot sa iligal na droga. Under my watch, I will not allow this situation to worsen, and I will do everything within my power and authority to address and put an end to this problem.
Sa gitna ng mga panganib, at sa harap ng mga taong nagdududa sa ating layunin at kakayahan, taas noo at buong tapang pa rin nating ipagtatanggol ang mamamayan at ilayo sila sa kapahamakan. Sabayan natin ang pagbabago sa buong bansa sa pamamagitan ng pinag-ibayong serbisyo. Tandaan natin na tayong mga pulis ay pumasok sa serbisyo upang maglingkod sa bayan, hindi upang pagkakitaan ang ating kapangyarihan. Pumasok tayo sa serbisyo upang panatiliing ligtas ang taong bayan, hindi upang saktan at abusohin sila. At pumasok tayo sa serbisyo upang ipatupad ang mga batas at itaguyod ang kapayapaan, hindi upang protektahan ang mga iligal na gawain. At narito tayo ngayon sa serbisyo upang maging ehemplo ng paglilingkod na magiting, malinis at mahusay.
Bilang ama ng organisasyong ito, nais kong makita ang marami pang mga bayaning pulis sa ating mga hanay. Hindi niyo kailangang magbuwis ng buhay upang maging bayani. Maghandog lang kayo ng malinis at maayos na paglilingkod, magpakatatag sa gitna ng unos, maging matapang sa harap ng panganib, taasnoong harapin ang anumang pagsubok at magsilbi kayo mula sa puso. Sa ganitong paraan, makiisa kayo sa hanay ng ating mga bayani. At ito naman ay susuklian ko, kasama ng buong liderato ng pulisya, ng tamang pag-aaruga sa inyo at sa inyong mga pamilya at pagtugon sa inyong mga pangangailangan bilang mga sandigan ng bayan.
At this point, I want to thank our beloved President Rodrigo Duterte for the strong support and inspiration that he continues to give us. Ganado po kaming magtrabaho dahil kayo po ang aming ehemplo ng serbisyong magiting, malinis, matapang at tapat.
Sa kabila ng mga kakulangan sa armas at iba pang mga kagamitan, nananatiling masigasig po ang aming paglilingkod at pakikibaka laban sa krimen at sa masasamang loob. Sa tiwala po ng ating Pangulo sa kapulisan at sa kanyang malakas na suporta, pati na rin ang suporta ng taong-bayan, patuloy pa rin ang aming masipag na pagpapatupad ng batas at pagsulong ng kaayusan at kapayapaan sa ating mga lansangan. We continue to strongly implement our transformation agenda as we heed the present administration’s call for positive change in the country.
As we now celebrate the police service’s 115th year, we will do so with a renewal of our commitment to the police ideals of service, honor and justice. Nawa’y patuloy na maghari sa ating mga puso ang paglilingkod na marangal at makatarungan.
At sa ating mga miyembrong bibigyang parangal ngayong araw na ito, binabati ko kayong lahat sa ngalan ng Pambansang Pulisya. Ipagpatuloy ninyo ang magandang serbisyo sa sambayanan at patunayang ang kapulisan ay tunay na tagapagtanggol ng mamamayan at sandigan ng ating bayan.
Sa ating lahat, maligayang bati sa pagdiriwang natin ng ika-isandaan at labing limang taong anibersaryo ng serbisyong kapulisan.
Mabuhay tayo!
PNP Website
http://pnp.gov.ph/portal/
http://pnp.gov.ph/portal/
http://pnp.gov.ph/news-and-information/news/406-welcome-remarks-of-pdg-ronald-m-dela-rosa-during-the-115th-police-service-anniversary
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
------------------------------
------------------------------------------------------------
------------------------------
0 comments:
Post a Comment