Friday, November 21, 2025

PBBM: Ombudsman ang mag-iimbestiga kina dating Speaker Romualdez at dating Rep. Co ukol sa maling paggamit ng pondo sa flood control

 

 From the Website of the President
  and Government Media Offices
------------------------------------------------------------------

PBBM: Ombudsman ang mag-iimbestiga kina dating Speaker Romualdez at dating Rep. Co ukol sa maling paggamit ng pondo sa flood control

Commission for Infrastructure (ICI) na isalin sa Ombudsman ang lahat ng impormasyong nakalap kaugnay kina dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez at nagbitiw na Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co hinggil sa iregularidad sa mga proyekto ng flood control.

Sa isang video mensahe na inilabas nitong Biyernes, sinabi ng Pangulo na ang Ombudsman ang magpapatuloy ng imbestigasyon kina Romualdez at Co.

Ang kautusang ito ay bahagi ng pangako ng Pangulo na ipabatid sa publiko ang estado ng imbestigasyong kanyang sinimulan, ang mga kasong isinampa, at ang mga repormang ipinatupad upang maiwasan ang muling pag-abuso sa pondo ng bayan sa pamamagitan ng mga kuwestiyonableng proyekto sa flood control at iba pang imprastruktura.

“Kaya ngayon, ay nais kong ipaalam sa ating mga kababayan na ang ICI at saka ang DPWH, lahat ng nakuha nila na impormasyon, ay ire-refer, ibibigay na sa Ombudsman para imbestigahan ng Ombudsman,” sinabi ni Chief Executive sa isang mensahe na nilabas sa kanyang opisyal na social media account.

“Ito ay tungkol sa mga impormasyon ng dating Speaker Martin Romualdez at saka ni Zaldy Co,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, ang imbestigasyon ng Ombudsman ay ibabatay sa ebidensya.

“Pag nakita lahat ng ebidensya, baka magfile ng kaso ng plunder o anti-graft o indirect bribery. Malakas naman ang loob natin na ‘yung Ombudsman, ang ginagawa lamang ay sumusunod sa ebidensya, at kung saan tayo dinadala ng ebidensya, doon pupunta ang ating imbestigasyon,” ayon sa Pangulo.

Malaking progreso na ang naabot ng imbestigasyon sa katiwalian sa mga flood control project sa loob lamang ng tatlong buwan mula nang buksan ng Pangulo ang “Sumbong ng Pangulo” website noong Agosto 11 at itatag ang ICI noong Setyembre 11 upang siyasatin ang katiwalian sa mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan sa nakalipas na sampung taon.

Si Pangulong Marcos mismo ang nagpasimula ng imbestigasyon matapos niyang kondenahin ang sistematikong katiwalian sa flood control projects sa kanyang Ika-apat na State of the Nation Address noong Hulyo 28. | PND




 
Office of the President Website






PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
 ------------------------- 
 
 

0 comments:

Post a Comment