From the Website of the President
links: http://president.gov.ph/
Article Links: https://pco.gov.ph/news-releases/
Article Links: https://pco.gov.ph/news-releases/
------------------------------------------------------------------
Ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pansamantalang 4-day workweek sa ilang ahensya ng gobyerno
Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Biyernes ang pansamantalang pagpapatupad ng apat na araw na pasok kada linggo sa ilang tanggapan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan simula Marso 9.
Ito ay bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno upang makatipid sa enerhiya at mabawasan ang paggamit ng petrolyo sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dulot ng krisis sa Gitnang Silangan.
Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ni Pangulong Marcos na ipatutupad ang patakaran sa mga piling tanggapan sa ilalim ng ehekutibong sangay.
“Para naman sa bahagi ng pamahalaan: Simula sa Lunes, ika-9 ng Marso, pansamantala nating ipapatupad ang four-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo,” ani Pangulong Marcos.
Ilang sandali matapos ang anunsyo ng Pangulo, naglabas ang Malacañang ng Memorandum Circular (MC) No. 114, na naglalaman ng karagdagang detalye hinggil sa pagpapatupad ng direktiba.
Ayon sa MC 114, saklaw ng kautusan ang lahat ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan, government-owned or -controlled corporations (GOCCs), mga lokal na pamahalaan, mga constitutional body, state universities and colleges, at iba pang instrumentalidad ng pamahalaan.
“May agarang pangangailangan na magpatupad ng mahigpit na hakbang sa pagtitipid ng enerhiya upang higit pang mabawasan ang energy footprint ng mga operasyon ng pamahalaan at mapahusay ang paggamit ng mga pampublikong yaman,” ayon sa memorandum.
Binigyang-diin naman ng Pangulo na magpapatuloy ang normal na operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng mahahalaga at frontline na serbisyo. Kabilang dito ang mga tanggapan na may kinalaman sa serbisyong pangkalusugan, kaligtasan ng publiko, at mga tumutugon sa emergencies tulad ng pulisya, mga bumbero, at iba pang frontline agencies.
Bukod sa pinaikling workweek, inatasan din ni Pangulong Marcos ang mga ahensya ng pamahalaan na magbawas ng 10 hanggang 20 porsyento sa kanilang konsumo ng kuryente at petrolyo.
Sa ilalim ng memorandum, inuutusan ang mga tanggapan ng pamahalaan na panatilihin sa 24 degrees Celsius ang temperatura ng air-conditioning. Inaatasan din ang mga opisina na patayin ang mga hindi kailangang ilaw at kagamitang elektroniko tuwing lunch break at pagkatapos ng oras ng trabaho. Ang mga kagamitan sa opisina ay dapat ding ilagay sa sleep mode kapag hindi ginagamit.
Iniutos din ng Pangulo ang pansamantalang pagsuspinde sa mga hindi kinakailangang biyahe at aktibidad ng pamahalaan, kabilang ang mga study tour, team-building activities, at mga pulong na maaari namang isagawa online.
Bukod sa mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya, inanunsyo rin ng Pangulo ang iba pang hakbang upang maibsan ang epekto ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis, kabilang ang posibleng pagbabawas ng buwis sa mga produktong petrolyo at pagbibigay ng fuel subsidy sa mga apektadong sektor. | PND
Office of the President Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
----------------------------------------------------
-------------------------














0 comments:
Post a Comment