Saturday, January 12, 2013

MULA BUHAY-LANSANGAN TUNGO SA BAGONG BUHAY



From the Website of DWSD
links:  http://www.dswd.gov.ph/2012/12/mula-buhay-lansangan-tungo-sa-bagong-buhay/





MULA BUHAY-LANSANGAN TUNGO SA BAGONG BUHAY

Posted on 13 December 2012.
MULA BUHAY-LANSANGAN TUNGO SA BAGONG BUHAY

Isinalaysay ni Ginoong Rolando Masayda, benepisaryo ng Modified Conditional Cash Transfer for Homeless Street Families (MCCT-HSF) ang kanyang masasayang karanasan at mahalagang aral na natutuhan niya mula sa tatlong araw na Family Camp for Homeless Street Families na isinagawa ng DSWD kamakailan sa Cavite. Mataimtim namang nakinig sina DSWD Secretary Dinky Soliman (gitna), Undersecretary Parisya H. Taradji (kanan), at DSWD-NCR Director Ma. Alicia S. Bonoan (kaliwa). 

 
“Nagpapasalamat po talaga ako sa ating pamahalaan, partikular sa DSWD sa pagbibigay-pansin sa aming mga pamilyang naninirahan sa lansangan (street families) at mapabilang sa Modified Conditional Cash Transfer for Homeless Street Families (MCCT-HSF) sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program,” ito ang bungad ni Rolando Masayda, taga Maynila, may tatlong anak at benepisaryo ng MCCT-HSF. Isa ang kanyang pamilya sa may 900 na mga “street families” na dumalo sa isinagawang Camping Project for Homeless Street families ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Kawit, Cavite noong Nobyembre 7-9, 14-16 at 27-29.

“Masayang-masaya po kami ng aking mga anak dahil sa tatlong araw namin dito sa family camp ay na-experience namin na makatulog sa maganda at air-conditioned na tulugan, gayundin ang makakain ng mga masasarap na pagkain tatlong beses sa isang araw,” pagpapatuloy ni Ginoong Masayda.

Isinalaysay din ni Ginoong Masayda na “Malaki din ang pasasalamat ko sa activity na ito dahil ako’y nakapaglaan ng maraming oras na makasama ang aking mga anak. Tunay ko pong naipadama sa kanila ang aking pagiging ama.  Sa totoo lang po hindi ko napaglalaanan ng oras ang aking mga anak gaya ng ginawa ko sa kanila dito sa family camp, dahil ang oras ko po ay nagugugol ko sa pangangalakal sa lansangan upang mayroon akong maipakain sa aking mga anak. Dahil sa activity na ito natutuhan ko silang pahalagahan.”

Ang Family Camp for Homeless Street Families ay bahagi ng MCCT-HSF Project. Ito ay naglalayong makapagbigay ng pagkakataon sa mga pamilyang nasa lansangan na maranasan ang iba’t ibang gawain tungo sa character building at personality development upang maiangat ang antas ng kanilang pananaw sa buhay at sa kanilang kalagayan.

Ang mga serbisyong ipinagkaloob sa tatlong araw na Family Camp ay family development session, skills training, spiritual enhancement, gender sensitivity, empowerment training, forum sa karapatan ng mga bata, story-telling sessions, supervised neighborhood play (SNP), film showing, seminar sa mga negatibong epekto ng illegal na droga, tour ng zoo at swimming.

Bagong Buhay
Ang mag-anak na Angelo at Jerlyn Dela Cruz: “Hulog ng langit sa amin ang programang “MCCT-HSF.”
Pag-ibig ang dahilan kung bakit sumama  si Jerlyn sa kanyang asawang si Angelo kahit na alam nyang wala silang permanenteng matitirhan. Ayon  kay Angelo na taga Pasay City, “Ayokong makipisan sa kanyang mga magulang dahil mababa ang pagtingin nila sa akin, isa lamang po akong pedicab driver. At dahil mahal niya ako, sumama siya sa akin at ang lansangan na nga ang naging tirahan naming mag-anak.”

Dagdag ni Jerlyn, “sumama po ako sa kanya kahit alam kong sa kalye kami malamang na tumira dahil hindi namin kayang umupa ng bahay sa liit ng kinikita ng asawa ko sa pamamadyak (pagdadrive ng pedicab) at sa aking pagtitinda sa bangketa.”  Sa kabila ng kanilang kahirapan, masaya ang mag-asawa sa kanilang pagsasama kasama ang kanilang dalawang anak, si Angelica, pitong taong gulang, at Norman, apat na taong gulang.
“Maituturing naming hulog ng langit ang MCCT-HSF, ngayon ay nakakapag-aral na ang aming mga anak,” masayang pahayag ng mag-asawa.

“Kung mayron man akong maipapamana sa aking mga anak, yun ay ang edukasyon na siyang maghahango sa kanila sa kahirapan. Ang mapabilang sa MCCT-HSF ang siyang magiging simula ng aming pagbabagong buhay,” diin ni Angelo.

“Dati rati ay natutulog at naninirahan kami sa   sementeryo pero ngayon ay may kasiguruhan na ang aming buhay,” eto naman ang pahayag ni Malyn Navarro,  isa ding benepisaryo ng MCCT-HSF.

Si Malyn Navarro ng Quezon City, 41 taong gulang, isang solo parent dahil nakakulong ang kanyang asawa, ay mayroong apat na  anak. Inamin ni Malyn na naging malaking problema niya ang kanyang 17-taong gulang na panganay na anak na dating sumisinghot ng rugby. “Napansin ko ang malaki nyang pagbabago mula ng  mapili kaming benepisaryo ng MCCT-HSF. Naging responsable siya at tumutulong na siyang mag-alaga ng kanyang mga kapatid. “

“Nahinto siya  sa pag-aaral simula nang matuto siyang magdroga  subali’t ngayon ay gusto na niyang mag-aral muli. Ngayon nga ay kasalukuyan siyang nakikinig sa lecture tungkol sa drug awareness,” paglalahad ni Malyn. Kabilang din ang pamilya ni Malyn sa 900 na mga benipisaryo ng MCCT-HSF na  dumalo sa Family Camp. Kasama sa mga activities ang lecture tungkol sa drug awareness, women empowerment, violence against women (VAW) at responsible parenthood.

“Tunay nga pong napabuti ang aming buhay nang dahil sa MCCT-HSF. Dati ay nakatira kami sa sementeryo at nagkakalkal ng basura upang may maibili kami ng pagkain. Ngayon ay may tinitirhan na kaming bahay at nakakapag-aral na ang aking mga anak. Nabigyan din kami ng financial assistance na pambayad namin sa upa ng bahay sa loob ng anim na buwan, at pagkakalooban din kami ng livelihood skills training upang magkaroon kami ng kabuhayan at maging supisyente,” masayang pahayag ni Malyn.

Marami din po kaming natutuhan sa mga Family Development Sessions (FDS) katulad ng pagiging isang mabuting magulang, kalinisan, kalusugan at wastong nutrisyon, pati pananamit, at ang kahalagahan ng edukasyon para sa aming mga anak. Sa kabilang banda, natuto naman ang mga kabataan na gumalang sa mga nakatatanda sa kanila, gumamit ng po at opo, at maging responsable,” pagpapatuloy ni Malyn.

Sa kabilang dako, si Gng. Maureen Dela Cruz at kanyang mga anak ay isa din sa mga dating pamilyang nakatira sa lansangan na tumugon upang mapabilang sa  programang MCCT-HSF. Maituturing din siyang solo parent dahil kasalukuyang nakakulong ang kanyang asawa at mag-isa nyang kinakaharap ang pakikibaka sa buhay.

“Dati kaming nakatira sa isang depressed area sa Baclaran, Paranaque. Ang asawa ko ay isang pedicab driver at dalawa ang aming anak, tatlong taong gulang at isang taong gulang. Napakalaking bagay po ang  tulong ng programang eto ng DSWD sa amin, natuto po ako ng tamang pag-aalaga sa aking mga anak, kasama na ang regular na pagdala sa kanila sa health center upang maalagaan ang kanilang kalusugan, ganundin kung paano maging mabuting magulang,” pagsasalaysay ni Maureen.

“Malaking tulong din ang cash grant sa kalusugan ng mga bata. Sa ngayon ay patuloy kaming tinutulungan ng mga city links ng MCCT-HSF, child welfare assistants at mga social workers ng DSWD at lokal na pamahalaan.  Kami naman po ay nakikipag-tulungan sa kanila dahil hindi po talaga  maganda at ligtas ang manirahan sa kalsada,” pagtatapos ni Maureen.
Sina Rolando Masayda, Malyn Navarro, Maureen dela Cruz, Baclaran, at  mag-asawang Angelo at Jerlyn Dela Cruz, kasama ang kanilang mga anak ay kabilang sa 900 na mga pamilyang lansangan na benepisyaryo ng programang MCCT-HSF, na naglalayong palakasin at palawakin ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang nakatira sa lansangan.

“Magkakaloob din ang programa ng komprehensibong tulong, kasama na ang ayuda sa renta ng bahay, para sa mga pamilyang naninirahan sa lansangan,” ani Director Patricia Luna na siyang nangangasiwa sa MCCT-HSF project.

Si Director Patricia Luna (kanan) habang kinakapanayam ang isang benepisaryo ng MCCT-HSF

Ayon kay DSWD  Secretary Dinky Soliman, kabilang din sa mga layunin ng  programang MCCT-HSF ay ang maialis ang mga bata sa lansangan at madala sila sa maayos at ligtas na tahanan; masiguro ang kanilang pagpasok sa paaralan at mapabuti ang access ng mga batang nangangailangan ng espesyal na proteksyon sa pamamagitan ng  alternatibong pamamaraan ng pag-aaral; masiguro ang kanilang kalusugan at wastong nutrisyon; at maihanda sila sa normal na pamumuhay  sa pamamagitan ng  Pantawid Pamilya .

“Siguraduhin lang nilang sila ay tapat at sumusunod sa mga kondisyon ng programa ay patuloy silang makakatanggap ng tulong pinansiyal,” pagtatapos pa ni Secretary Soliman. ###



DSWD Website


links: 






OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES

Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights

Home - Human rights Promotions Website





PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

———————————————————————————————–
————————————————————
——————————

0 comments:

Post a Comment