links: http://www.gov.ph/2013/03/27/message-of-president-aquino-for-the-2013-lenten-season-march-27-2013/
VIDEO:
TRANSCRIPT:
Mensahe
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa sambayanang Pilipino
Ukol sa Mahal na Araw
[Ika-27 ng Marso 2013]
Ngayong panahon ng Kuwaresma, ginugunita
po natin ang natatanging halimbawa ni Hesukristo sa
sangkatauhan. Nagkatawang-tao siya, nagpakumbaba, at iniligtas tayo sa
kasalanan; naging huwaran Siya sa landas ng pagbubukas-palad, at wagas
na pagmamahal sa kapwa.
Bilang mga tagasunod ni Kristo, nararapat lamang na tayo’y tumulad sa Kanyang mabuting ehemplo.
Wala na nga pong
tutumbas sa sakripisyong ipinamalas ni Hesukristo. At kung
tutuusin, dahil sa dakilang pag-aalay Niya ng buhay para sa kaligtasan
natin, kakarampot na lamang ang kanyang hinihiling: ang mahalin at
arugain ang ating kapwa. Makukuha pa ba nating ipagkait ito sa Kanya?
Bilang isang
bansa, marami na po tayong napatunayan sa landas ng pagkakaisa,
pagkakawanggawa, at pagmamalasakit sa kapwa: hindi imposibleng
bumangon mula sa halos isang dekadang pagkadapa; hindi suntok sa
buwan ang muling maaninag ang kaunlaran, lalo na para sa mga kababayan
nating higit na nangangailangan. Sa gabay at patnubay ni
Kristo, naipamalas natin ang bisa ng pagtuon—hindi sa pansariling
interes—kundi sa kapakanan ng ating mga kababayan.
Ngayon pong Mahal na
Araw, muling ipinapaalala sa atin ang halaga ng pagiging tanglaw sa
isa’t isa, at ang liwanag na hatid nito sa buong bansa. Napakaganda na
po ng mga nasimulan nating hakbang; at ngayong Semana Santa, patuloy
nawa tayong makapagnilay kung paano pa mapapayabong ang mga butil ng
pakikipagkapwa na ibinahagi sa atin ng Poong Maykapal.
Isang pong makabuluhan at mapayapang Mahal na Araw sa sambayanang Pilipino.
GPH Website
http://www.gov.ph/2013/03/27/message-of-president-aquino-for-the-2013-lenten-season-march-27-2013/
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human RightsHome - Human rights Promotions Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment