From the Website of the President
News
President Aquino calls for abolition of Priority Development Assistance Fund
August 23, 2013
President Benigno S. Aquino III has called for the abolition of the
Priority Development Assistance Fund (PDAF) amid allegations of misuse
of some P10 billion public funds.
In his statement in Malacanang on Friday, the Chief Executive
directed Budget Secretary Florencio Abad to consult with Senate
President Franklin Drilon and House Speaker Feliciano Belmonte Jr.
regarding the removal of the PDAF and the crafting of a new system.
“Inatasan ko na si Secretary Abad ng DBM na kumonsulta kina Speaker
Belmonte at Senate President Drilon upang pandayin ang mekanismo, at
isumite ito kaagad sa akin. Ilalatag natin ito upang ang mga alokasyon
sa bawat distrito ay mapabilang na sa ating Pambansang Budget simula sa
panukalang budget ng 2014,” the President said.
Established in 1990, the PDAF was intended to bring development to
every part of the country by making sure that every congressman will
have an assured allocation for his district even if he is a member of
the silent committee in Congress.
“Wala pong mali o masama sa polisiyang ito. Ang mali, ang masama, at
ang siya ngang ikinagagalit ng taumbayan, ay ang pagsasabwatan sa
pagitan ng isang pangulong handang makipagtransaksyon para manatili sa
kapangyarihan; mga mambabatas na handang makipagkuntsabahan; at kung
nariyan ang kooperasyon ng burukrasya; at mga mamamayang tila namanhid
na sa panlalapastangang ginagawa sa kanila–kung nagsama-sama po ang mga
sangkap na ito, maaaring maabuso ang PDAF,” he said.
The President wants a new system to ensure that public funds are appropriately used.
“Nakakagimbal nga po ang mga rebelasyon tulad ng mga nakapaloob sa
Commission on Audit Special Audit Report ukol sa paggamit ng PDAF noong
2007 hanggang 2009, na inilabas nitong nakaraang linggo. Dalawang bagay
po ang malinaw na kailangan nating gawin sa panahong ito,” the President
stressed.
“Una, ang panagutin ang mga umabuso sa sistema. Kahapon, iniulat ko
sa inyo na inatasan ko ang Department of Justice, sampu ng lahat ng
ahensya ng ehekutibo sa ilalim ng Inter-Agency Anti-Graft Coordinating
Council, o IAAGCC, na mag-ambagan at magtutulungan upang mapabilis ang
proseso, mula sa imbestigasyon, hanggang sa pag-usig, hanggang sa
pagpapakulong, at pati na ang pagbawi ng ilegal na yaman,” he said.
The President assured the public that charges will be filed against those involved in the P10-billion pork barrel scam.
“Malinaw ang aking direktiba sa lahat ng ahensya at kawani ng
gobyerno: Ibigay ang inyong buong tulong at kooperasyon upang mahanap
ang katotohanan, at nang mapanagot ang dapat managot,” he further said.
The President expressed his confidence and trust in the integrity of
Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Justice Secretary Leila M. de Lima,
and COA chairperson Grace Pulido-Tan.
“Alam kong wala silang kikilingan. Kinakatawan nila ang panunumbalik
ng tiwala ng publiko sa mga institusyong kanilang pinamumunuan. Iyan po
ang balangkas ng ating unang layunin,” he said.
He, likewise, vowed to implement budgetary reforms to rid corruption.
“Ang ikalawa: maghanap ng mas mainam na paraan upang siguruhing ang
pera ng taumbayan ay mapunta sa taumbayan lamang. Lilinawin ko po:
Simula pa lamang, pilit na tayong nagpapasok ng reporma upang bawasan
ang diskresyon, na siyang ugat ng labis at maling paggamit ng PDAF,” he
said.
The President is calling on the public to help the government scrutinize government projects to prevent corruption.
“Inatas po nating itala sa Pambansang Budget kung magkano ang PDAF na
natatanggap ng bawat mambabatas, at ipinagbawal na rin natin ang
congressional insertions. Partikular na lamang ang menu na puwedeng
paglagyan ng PDAF, hindi katulad dati kung kailan inilalagay lamang ito
sa kung saan-saan,” he concluded.
Office of the President Website
links:
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------------------------------------------ ---------------------------------------------------------------------------- -----------------------------------------------------
|
0 comments:
Post a Comment