From the Website of DILG
links: http://www.dilg.gov.ph/news/Radios-Communications-Group-tutulong-na-rin-sa-Kampanya-Kontra-sa-Kriminalidad-Roxas/NC-2014-1097
Radios Communications Group tutulong na rin sa Kampanya Kontra sa Kriminalidad - Roxas
Binigyang diin ngayon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na para lalo pang mapalakas ang kampanya ng Philippine National Police kontra krimen, kailangan samahan ito ng people empowerment.
“Kung mayroong whole of PNP approach kailangan ay may kasamang whole of community approach,” pahayag nito.
Sinabi ni Roxas na kahit anong programa, pagkilos at tugon ng PNP sa mga krimeng nangyayari sa kalakhang Maynila, pero kung wala ang kooperasyon ng mamamayan at komunidad ay mananatiling bigo ang kampanya ng gobyerno.Bahagi ng “whole of community approach” na ipinapanawagan ni Roxas ang pagpasok ng DILG at PNP sa kasunduan sa pagitan ng radio communication groups tulad ng Philippine Amateur Radio Association, REACT Philippines, KABALIKAT CIVICOM at Volunteer Radio Communication Group, Inc. (VOLTRACOM).
Ipinaliwanag ni Roxas na ang binuhay na ugnayan sa pagitan ng radio communications, DILG, at PNP ay sa aspeto lamang ng reporting ng krimen o pangyayari at hindi kasama ang pagpa-patrolya.
“Hindi natin gustong malagay sa alanganin itong ating mga volunteer radio communications kaya sapat na sa atin na itawag lang nila o ibalita ang anumang krimen na matutunghayan nila mula sa kanilang magiging area of assignment,” paliwanag nito.
Ayon pa kay Roxas pina-plantsa na lang ang lahat ng detalyeng may kinalaman sa kasunduan kabilang na ang guidelines at technical concerns at pagtapos ng paggunita ng Undas ay muling pag-uusapan ito para sa tuluyang implementasyon ng programa.
Inaasahan ni Roxas na higit na makakatulong ang mga nasabing communications groups sa paglansag ng mga krimen na nangyayari sa high crime areas tulad ng Batasan, Kamuning, Masambong, Taguig, Pasig at Mandaluyong.
“Kulang na kulang ang ating mga pulis at police trainees para ipakalat sa lahat ng lugar sa National Capital Region na may mataas na insidente ng krimen. Kaya inaasahan natin sa pagdating nitong communication groups ay mababawasan pa ng mas malaki itong krimen na naitatala natin sa ngayon.
DILG Website
http://www.dilg.gov.ph/
links:
http://www.dilg.gov.ph/news/Radios-Communications-Group-tutulong-na-rin-sa-Kampanya-Kontra-sa-Kriminalidad-Roxas/NC-2014-1097
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights
Home - Human rights Promotions Website
HUMAN RIGHTS PROMOTIONS
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment