From the Website of DILG
links: http://www.dilg.gov.ph/news/Civil-Society-Kailangan-sa-Kampanya-ng-Govt-at-PNP-vs-Krimen-Roxas/NC-2014-1064
Civil Society Kailangan sa Kampanya ng Gov't at PNP vs Krimen - Roxas
Civil Society Kailangan sa Kampanya ng Gov't at PNP vs Krimen - Roxas Inatasan ni Interior at Local Government Sec. Mar Roxas ang National Police Directorate at National Capital Regional Police Office (NCRPO) Command na pag-aralan ang posibilidad na magkaroon ng opisyal na ugnayan ang PNP at civic organizations. Ibinaba ni Roxas ang direktiba matapos ang ulat ni NCRPO Director Carmelo Valmoria na nagtala ng malaking pagbagsak ang insidente ng kriminalidad sa Kamaynilaan sa nakalipas na dalawang linggo.Tinukoy ni Valmoria ang kaso ng theft at robbery na naitala mula Agosto 11-17 sa Metro Manila na umabot sa 757 kaso ay bumaba sa 692 mula Agosto 18-24 at higit pang gumanda sa panahon ng Agosto 25-31 sa bilang na 605.
Samantalang ang murder o insidente ng pagpatay ay nabawasan din mula Agosto 11-17 na 38 kaso ay bumbaba sa 32 kaso ng murder mula Agosto 25-31.
“Malaking bagay ang pagkalat nitong ating mga pulis, itong mga blue shirts natin kahit police trainees pa lang sila dahil malaking tulong na ang nagagawa nila para mabawasan ang krimen," pahayag ni Roxas.
Kaugnay nito, inatasan ng Kalihim na repasuhin ng NCRPO command ang mga units nito na maaaring pagkunan ng dagdag na puwersa na idadagdag sa naunang 1,000 augmentation force na nasa Kamaynilaan na.
"Ang tanong ko lang saan pa tayo maaring kumuha ng blue shirts na idadagdag natin dito sa naka-augment ng operatiba ng PNP sa Metro Manila,” dagdag ng Kalihim.
Bunsod nito, hiniling ni Roxas kay Police Deputy Director Leonardo Espina na pag-aralan kung maaaring makatulong ng PNP sa police visibility ang civic groups gaya ng Kabalikat, Barangay Patrol, Liga ng mga Barangay at ibat-iba pang civic action team at civic communication groups.
"Ginagawa na ng ating civil society, mga civic groups at action team ang ganitong pagtulong sa mga kababayan natin kapag panahon ng Mahal na Araw dahil panahon ito ng ating mga kababayan na bumiyahe at mag-uwian sa mga probinsiya. Kung magustuhan nila, baka puwede natin silang i-accredit at bigyan ng guidelines para makatulong sa ating police visibility bilang isang paraan ng pagpigil sa krimen," paglilinaw pa rin ni Roxas.
“Ang krimen, maging ito ay kidnapping, carnapping at theft, at robbery ay nag-uumpisa sa pagmamanman ng mga tao sa aktibidades ng target nila. Inaalam ang gawa ng posibleng biktima, mga dinadaan, kinakausap o kasama ng target para maisayos nila ang masamang balak,” babala ng Kalihim.
Inirekumenda din ni Roxas ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga unibersidad at magkaroon ng pag-uusap kung maaari din makatulong ang ROTC para sa mga paaralan na mayroon pa nito at Literacy Training Service (LTS) naman at kahalintulad na programa para sa ibang unibersidad o kolehiyo.
"Baka puwede natin na kausapin ang mga eskuwelahan at tignan natin kung maaari nating bigyan ng karampatang credits ang mga estudyante at paaralan na lalahok sa atin," pahayag pa rin nito.
Ipinaalala ni Roxas na: “Habang ginagawa ng kapulisan ang trabaho nila, we need to keep an eye on each other. Kailangan natin magtulungan para alagaan natin ang isa’t isa.”
Dagdag pa nito: “Tinatawagan ko din ang ating mga kasangga katulad ng Liga ng mga Barangay, BPATS at Kabalikat na makiisa at tulungan tayong magmanman sa kapaligiran sa mga gawaing kaduda-duda ng mga taong may balak na gumawa ng kidnapping. Mahalaga na magkaroon ng malinaw na ugnayan ang pamahalaan, PNP at civil society habang sinususugan ang modernisasyon ng PNP upang magawa nila nang mas mahusay ang kanilang tungkulin para sa kapakanan ng mga mamamayan na umaasa sa kanila para protektahan ang kanilang mga buhay at ari-arian.”
DILG Website
http://www.dilg.gov.ph/
links:
http://www.dilg.gov.ph/news/Civil-Society-Kailangan-sa-Kampanya-ng-Govt-at-PNP-vs-Krimen-Roxas/NC-2014-1064
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights
Home - Human rights Promotions Website
HUMAN RIGHTS PROMOTIONS
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment