Friday, September 26, 2014

Sustainability ng LGUs Patuloy na Isusulong – Roxas


Sustainability ng LGUs Patuloy na Isusulong – Roxas

Hinimok ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas ang mamamayan ng Region 4-A na huwag palampasin at sa halip ay samantalahin ang training na ibinibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang local goverment. 
 
Ginawa ni Roxas ang paghikayat bilang paglilinaw sa kuwestiyon ng ilang kalahok sa public launching at conference ng Koalisyon ng Mamamayan Para sa Reporma (KOMPRe) Region 4-A na ginawa sa De La Salle Science Institute Campus, Bacoor, Cavite, kahapon na hindi basta uunlad ang isang munisipalidad sapakat mali at hindi angkop ang programang inilalatag ng pamahalaan sa isang lugar.

Ipinaliwanag ni Roxas na ang layunin ng pamahalaang PNoy sa pagbibigay ng training o pagsasanay ay tulungan ang mamamayan na maging self-sustaining para hindi nakadepende sa tulong o bigay ng national at local goverment ang mga ito.

"Kaya may training para maging sustainable at hindi nag-aantay na lang. Kailangan lang i-identify kung anong training ang kailangan ng mga tao," pahayag ni Roxas.

Nilinaw din ni Roxas na ibinibigay ng libre sa komunidad at civil society organizations ang training upang maging gabay ng mamamayan sa pagsisimula ng negosyo na tutulong mag-angat sa antas ng kanilang pamumuhay.

Nakiusap din ang kalihim sa mga taga-Calabarzon Region na ipaalam sa DILG kung sakaling may reklamo sila sa kanilang lokal na pamahalaan.

Ito ayon naman kay Roxas bunsod ng mungkahi ng isang miyembro ng KOMPRe na kung puwede ay huwag ng idaan ng national government ang ayuda nito sa mga tao sa Local Government Units (LGUs) dahil madalas sa hanay ng local chief executives nahaharang ang pagbibigay ng tulong.

Dahil dito hiniling ng kalihim sa mamamayan na maging mapagmatyag sa mga programang ipinapatupad ng pamahalaan upang mayroong accountability ang opisyal sa tao at ganun din ang mamamayan sa gobyerno.

Tinukoy ni Roxas na ang bawat isa sa 1,600 LGUs sa bansa ay kalahok sa bagong budget process, ang Grassroots Participatory Process (GPP) kung saan ang bawat munisipyo at lungsod ay maaring makinabang sa P20 bilyon pondo na inilaan ng gobyerno.

Sa ilalim ng GPP ang mamamayat ng isang komunidad ay maaring magrekumenda ng proyekto sa kanilang Local Poverty Reduction Action Team (LPRAT) na sa tingin nila ay kailangan sa kanilang pangaraw-araw na buhay. Ang LPRAT ang tumatayong civill society organization sa bawat munisipalidad na may ugnayan sa LGUs.

Pinasalamatan naman ng kalihim ang KOMPRe sa mga repormang isinusulong nito sa pamamagitan ng dayalogo dahil nailalapit nila ng mabilis ang mga tao at kanilang pangangailangan sa pamahalaan.



DILG Website

http://www.dilg.gov.ph/


links:






PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment