Article Links: https://pco.gov.ph/news-releases/
PBBM susuriin ang panukalang budgeting code ng DBM para sa unprogrammed appropriations – Palasyo
Rerepasuhin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang budgeting code ng Department of Budget and Management (DBM).
Layunin nitong magpatupad ng mas malinaw na mga patakaran at disiplina sa paggamit ng unprogrammed appropriations o mga pondong hindi nakapaloob sa regular na badyet.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa isang press briefing na ang bagong code ay magtatakda ng malinaw na limitasyon at kondisyon kung kailan maaaring gamitin ang mga pondong ito.
“A central policy intention under the proposed reform is to ensure that unprogrammed appropriations are confined to a limited and clearly defined purpose, thereby preventing their use as a broad or discretionary funding mechanism and enforcing fiscal discipline,” ani Castro, binanggit ang pahayag mula sa DBM.
(Ang pangunahing layunin ng panukalang reporma ay matiyak na ang unprogrammed appropriations ay nakalaan lamang sa limitadong at malinaw na tinukoy na layunin, upang maiwasan ang paggamit nito bilang malawak o discretionary na mekanismo ng pondo at upang maipatupad ang disiplina sa pananalapi,” ani Castro, pahayag mula sa DBM).
“The draft measure will be submitted for review by the economic team, the executive secretary, and ultimately, the President; as such, the matter remains under policy development and interagency consultation.”
(Ang balangkas ng panukala ay isusumite para sa pagsusuri ng economic team, ng executive secretary, at sa huli, ng Pangulo; kaya’t nananatili pa itong nasa yugto ng pagbuo ng polisiya at konsultasyon sa pagitan ng mga ahensya).
Bilang patakaran, target ng DBM na limitahan ang halaga ng unprogrammed appropriations sa mas mababa sa 5% ng kabuuang national budget, batay sa datos at trend ng pananalapi.
Gayunpaman, ang eksaktong hangganan ay nakasalalay pa rin sa deliberasyon at pag-apruba ng Pangulo.
Nang tanungin kung sinusuportahan ng Pangulo ang limitasyon na mas mababa sa 5 porsyento, kinumpirma naman ito ni Castro.
Noong Enero, bineto ni Pangulong Marcos ang ilang item sa ilalim ng unprogrammed appropriations na umabot sa halos PhP92.5 bilyon sa 2026 national budget.
Ipinaliwanag ng Pangulo na ginawa niya ito upang matiyak na ang pondo ng bayan ay gagastusin lamang para sa malinaw na pambansang interes, at hindi magamit nang mali o abusuhin. | PND
----------------------------------------------------














0 comments:
Post a Comment