Friday, February 20, 2026

Pinalawak na Pambansang Pabahay inilusad sa UP Los Baños

 

From the Website of the President
  and Government Media Offices
------------------------------------------------------------------

Pinalawak na Pambansang Pabahay inilusad sa UP Los Baños

Naabot na ng Pinalawak na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang University of the Philippines Los Baños sa pamamagitan ng paglulunsad ng bagong rental housing project na pakikinabangan ng humigit-kumulang 800 empleyado ng unibersidad na may mababa na sweldo.

Ang programang ito ang tatapos sa mahigit 40 taon nang kawalan ng proyektong pabahay para sa mga empleyado ng unibersidad mula pa nooong 1980’s sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing sa Palasyo ngayong Biyernes.

Ang proyekto ay inilunsad ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling at Jose Camacho Jr, ang Chancellor nf University of the Philippines Los Banos.

Sa nasabing proyekto, dalawang palapag na gusali ang itatayo sa Paciano Rizal, Bay Laguna, bilang bahagi ng ika-llimang rental housing project sa ilalim ng Expanded 4PH program.

Bukod sa mga empleyado na may mababang sweldo sa UPLB, may ilang mga informal settlers na malapit sa UPLB Rural High School campus ang inaasahang makikinabang rin sa naturang proyekto.

May kapareho proyektong pabahay ang pinaplanong itayo sa Quezon City at Iloilo City, katuwang ang mga lokal na pamahalaan. | PND




  
 
Office of the President Website






PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
 -------------------------

0 comments:

Post a Comment